(Embahada pinaalerto sa madadamay na OFWs) RESTO SA ABU DHABI SUMABOG

DFA

PINAALERTO ng Department of  Foreign Affairs (DFA) ang embahada ng Filipinas kaugnay sa naganap ang  pagsabog sa isang restaurant sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE).

Ito  ang kinumpirma ng DFA, ayon sa Philippine Embassy sa kabisera, minomonitor nila ang sitwasyon at handang magbigay ng tulong sakaling may Filipino na nasaktan sa insidente.

Ayon sa DFA, maaaring may mga Filipino na nagtatrabaho sa restaurant bagaman hindi pa ito nakukumpirma.

Nauna rito ,dalawang katao ang nasawi sa pagsabog na kung saan dumadaan lang ang isa nang tinamaan ng debris habang ang isa naman namatay malapit sa pinangyarihan.

Sa ulat ng Abu Dhabi Police, “gas explosion” ang dahilan ng pagsabog sa nasabing restaurant sa Rashid bin Saeed St.

Kaya’t mahigpit ang ginagawang pagmonitor ng embahda sa sitwasyon para sa agarang pagbibigay tulong  sa mga Filipino na apektado ng insidente.

Gayunpaman, nakikiisa ang embahada sa Filipino community sa UEA na umaasang wala maitalang casualties o injuries  na Pinoy. LIZA SORIANO

Comments are closed.