EMBAHADA SA UAE HANDA SA PAGPAPAUWI NG PINOY ROON

ABU DHABI

ABU DHABI – HANDA ang Embahada ng Filipinas sa the United Arab Emirates (UAE) para sa repatriation ng mga Filipino na naroon sakaling umabot sa nasabing bansa ang spill over ng Iran-US tensions.

“In view of recent developments, Filipinos in the Middle East are assured that the Philippine government is prepared to repatriate any Filipino who may be affected or displaced by the ongoing crisis,” batay sa advisory ng embahada.

Para sa mabilis na information dissemination, ibinigay rin ang mga contact information at numbers sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa pitong emirates ng UAE.

Una nang sinabi ni Bello na patungo na ng UAE si Labor Undersecretary Claro Arellano para sa pagpapauwi sa mga Pinoy roon.  PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM