NAG-ALOK ang Government Service Insurance System (GSIS) ng emergency loan sa mga aktibong miyembro at old-age pensioners sa lalawigan ng Davao del Sur na naapektuhan ng El Niño.
Ang deadline ng application para sa loan ay sa Mayo 23, 2019.
Sa ilalim ng programa, ang mga miyembro na walang existing emergency loan ay maaaring makautang ng P20,000, habang ang mga may outstanding balance pa sa naunang emergency loan ay maaaring makahiram ng P40,000.
Ang old-age pensioners sa nasabing lalawigan ay maaari namang makautang ng P20,000. Sa kasalukuyan, may kabuuang 10,497 active members at 1,933 old-age pensioners sa lugar na kuwalipikado para sa loan.
“To qualify, active members must be working or residing in the calamity-declared area, not be on leave of absence without pay, have no arrears in paying monthly mandatory life insurance or social insurance premium contributions, and have no unpaid loans for more than six months. They should also have a minimum net take-home pay of Php5,000 after the monthly premium contributions and loan amortizations have been deducted. Pensioners who are also active members may apply for the loan only once,” ayon sa GSIS.
“Active members may apply through the GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosk located in all GSIS branch and extension offices; provincial capitols; city halls; selected municipal offices; large government agencies such as the Department of Education; Robinsons Malls; and selected SM City branches in North EDSA, Manila, Pampanga, Cebu, SM Aura in Taguig, SM Southmall in Las Piñas, and Mall of Asia in Pasay City (subject to approval of their agency authorized officer (AAO). Old-age pensioners must personally apply for the loan.”
Ang GSIS emergency loan ay maaaring bayaran sa loob ng 36 buwan sa 6 percent interest rate per annum. Sakop ito ng loan redemption insurance, na itinuturing na ‘fully paid’ ang loan sakaling mamatay ang borrower, subalit kailangang up to date ang loan repayment.
“Loan proceeds are electronically credited to the borrower’s GSIS electronic card (eCard) or unified multipurpose identification (UMID) card.”
Para sa mga katanungan, maaaring bisitahin ang GSIS website sa www.gsis.gov.ph, o Facebook account, @gsis.ph; mag-email sa [email protected]; o tumawag sa GSIS Contact Center sa 847-4747 kapag nasa Metro Manila o 1-800-8-847-4747 (for Globe [free with minimum Php8.00 load] at TM sub-scribers) o 1-800-10-847-4747 [for Smart, Sun, at Talk ’N Text subscribers; Php8.00/call]).
Comments are closed.