TAHASANG sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi solusyon ang pagbibigay ng emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte upang makumpleto ang Build Build Build projects ng administrasyon.
Nauna nang sinabi ni Drilon na siyam mula sa 75 Build Build Build projects ang ginagawa pa lamang ngayon ng gobyerno.
Pinaalala pa ni Drilon na isinalang noon ang Department of Transportation at Department of Public Works and Highway sa Senado para sa paghingi ng emergency power subalit hindi nabigyan dahil walang konkretong plano para sa mga proyekto.
Ani Drilon, hindi alam kung saan at paano gagamitin ang emergency power kapag naibigay na ng Kongreso.
Ipinaliwanag pa ng senador na hindi naman kinakailangan ng emergency power para sa transportation kung nais na mapabilis talaga ang Build Build Build projects.
Gayundin, hindi na kailangan ng emergency power kung nangangailangan ng 2,000 engineers sa DPWH at hindi rin ito kailangan kung nais gastusin ang pera sa tamang oras at paraan. VICKY CERVALES
Comments are closed.