EMERGENCY TREATMENT FACILITY NG NCRPO BINUKSAN

Debold Sinas

BILANG tugon sa pangangailangan ng mga pulis na sumasailalim sa “emergency cases” dahil sa  COVID-19, pinasinayaan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Maj Gen Debold Sinas ang isang Emergency Treatment Facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

“Over the six months of being in the frontline of this plight, NCRPO’s interventions to prevent and cure the virus has been magnificent and effective. Nonetheless, we will continue what we have started and the public can be assured that frontliners who serve them day to day, are healthy, safe and free from the virus,” ani Sinas

Aniya, sa nasabing pasilidad, ilalagay at gagamutin ang mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 at nakararanas ng  bahagya hanggang sa matinding mga sintomas.

Idinagdag pa nito, ang itinayong treatment facility ay may mga oxygen tank na may regulator na magagamit ng mga pulis na kinapitan ng virus o nagpositibo sa COVID-19 lalo na kung kinakapos ng paghinga.

Gayundin, ang pasilidad ay may nakatalagang rehistradong doktor at nars, may 20 bed capacity, 2 ECG, 1 cardiac monitor na may  defibrillator, 5 nebulizer,  6 automatic spray dispenser, 1 patient monitor, 10 bedside table, 10 air-condition (window type) at 10 hospital bed with IV stand. EVELYN GARCIA

Comments are closed.