ÉMILE-ANTOINE BAYARD AT COSETTE

Isinilang noong November 2, 1837 kinilala si Émile-Antoine Bayard dahil sa napakaganda niyang pagguhit ng larawan ni Cosette (1862), ang main character sa kwentong Les Misérables na isinulat ni Victor Hugo.

French illustrator si Bayard na taga-La Ferté-sous-Jouarre, Seine-et-Marne. Naging estudyante siya ni Léon Cogniet, and yes, lalaki po siya.

Kung familiar po kayo sa Les Miserables, si Cosette ay isang batang babaing ulila na inampon ni Valjean. Si Cosette ang bida sa kwento, at siya ring subject ng napakaraming awit nang gawing musical theater ang Les Mi­serables.

Mabait at masunu­ring anak ng kapus-palad na si Fantine, si Cosette ang dahilan kung bakit bumait si Jean Valjean. Pinagnasaan siya ni Marius, at kinainggitan ni Eponine, na kung tutuusin ay siyang dapat kainggitan dahil sa magandang katayuan sa buhay.

Kaye VN Martin