EMILIO AGUINALDO DAY ITINAKDA SA MARSO 2019

emilio aguinaldo

MAYNILA – IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Marso 22, 2019 bilang Emilio Aguinaldo Day upang gunitain ang kanyang ika-150 kaarawan.

Sa Proclamation No. 2621 na nilagdaan ni Pangulong Duterte ay inatasan ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na pangunahan ang pagdiriwang ng makasaysayang okasyon.

Nakasaad sa proklamasyon na maaaring bumuo ng inter-agency task force ang NHCP para sa pagpapla-no, koordinasyon at implementasyon ng lahat ng mga programa na may kaugnayan sa kapanganakan ni Aguinaldo na kauna-unahang pangulo ng Filipinas.

Ang iba pang ­ahensiya ng pamahalaan ay naatasan ding bigyan ng suporta at iba pang tulong na kakailanganin upang maisakatuparan ang mga planong aktibidad sa  nabanggit na okasyon.

Samantala, ang pondong gagamitin para sa commemorative activities ay manggagaling sa regular appropriations ng mga kinau­ukulang ahensiya ng pamahalaan.      EVELYN QUIROZ