MAKATI CITY – NIREREBISA na ni Ambassador Jaroslav Olsa Jr. ang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of the Czech Republic to the Philippines ang kaniyang mga nagawa sa bansa mula nang manungkulan noong Hulyo 2014.
Kabilang sa tinungo ni Olsa ang tanggapan ng Aliw Media Group sa Makati City at naging resource person sa BusinessMirror Coffee Club sa pangunguna ni BM Publisher T. Anthony C. Cabangon.
Sa kaniyang pagharap sa media, kinumpirma nito na sa Disyembre ay kaniya nang lilisanin ang Filipinas dahil tapos na ang kaniyang tour of duty.
Bago ang paglisan ay muli niyang pinasalamatan ang nakasama niya sa trabaho, hinangaan ang good trait at kultura ng Filipino, na aniya’y kaniya nang na-adapt sa mahigit na apat na taong pamamalagi sa Filipinas.
Si Olsa ay mahilig magbasa at kabilang sa nagustuhan niyang Filipino book na iniakda ni Jessica Zafra ang Twisted Travels.
Aminado si Olsa na isa siyang kritiko ng literatura kaya naman maraming libro ang kaniyang nabasa at koleksiyon.
Magugunitang noong Nobyembre 23 ay ginawaran ng Order of Lakandula ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang bilang pasasalamat sa maayos na pagganap sa kanyang tungkulin.
Ang Order of Lakandula ay isa sa pinakamataas na pagkilala na parangal na iginagawad ng Filipinas sa mga personalidad na nagpakita ng pagiging lider, responsable at mataas na antas ng serbisyo. EUNICE C.
Comments are closed.