BUWAN ng Setyembre nang buksan ng beauty queen turned actress/host na si Pia Wurtzbach ang kanyang Empire Studio Philippines sa Taguig na kasosyo niya ang kanyang manager na si Jonas Gaffud.
Nang tanghaling Miss Universe noong 2016 ay mabilis na nakilala ang training studio ni Pia na dalawang taon na this year na pinatatakbo nila ni Jonas.
Ang studio nila ay hindi lang naka-focus sa beauty and fashion, nag-aalok din sila ng classes on acting, speech, modeling and pageant coaching.
“If you want to improve yourself, this is the place to do that. So if you want to try modeling, if you want to get better at dancing, if you want to become a beauty queen, if you want to train here, if you want to do a photo shoot here for yourself or for whatever reason, this is a place or space for everyone for their creative process,” pagbabahagi pa ni Pia na nagpaplanong magpatayo ng iba pang business.
PALOMA ROLE NI COCO MARTIN SA 3POL TROBOL AGAW EKSENA
SANAY na tayong mapanood si Coco Martin sa pelikulang action, drama love story at slight na comedy. Pero dito sa kanyang pelikulang “3Pol Trobol:Huli Ka Balbon,” na isa sa 8 official entries sa Metro Manila Film Festival 2019 ay 70% ang comedy na paglabas ng Paloma character ni Coco ay siguradong mabibighani niya ng kanyang kagandahan at kaseksihan ang mga barakong manonood.
Naimbitahan kami sa especial screening ng 3Pol Trobol sa VIP Cinema sa Fisher Mall Parkway at sobrang naaliw na walang tigil sa kakatawa sa loob ng sinehan.
Very entertaining ang movie ni Coco na opening pa lang ay todo bakbakan na ang eksena sa pagitan ni Coco at ng mga kalaban na ikinabilib ni Rowel Santiago bilang si Sec Guillermo, na may hawak ng ledger ng mga tiwaling opisyal na sina Tirso Cruz III at Edu Manzano. Ipinapatay ng dalawa si Sec Guillermo at Sa pagpaslang sa matinong government official ay mapagbibintangan si Pol(Coco) kaya kinailangan niyang magtago at kinailangan ni Pol na mag-disguise bilang si Paloma at magpanggap na kapatid ni Trina.
Kung medya-medya lang ang pagsuot ng girl outfit ni Paloma sa FPJ’s Ang Probinsyano, dito sa kanyang filmfest entry ay itinodo na niya ang pagiging girl na aside sa ilang beses nagpalit ng damit pambabae ay nagpa-sexy pa sa kanyang t-back bathing suit sa swimming pool scene nila ni Jennylyn.
Ang ganda rin nu’ng eksena na nagba-bike sila ni Jennylyn na pinagkakaguluhan si Paloma ng mga kalalakihan. Girl na girl din si Paloma sa gym scene nila ni Jenn. May aliw at kilig factor naman ‘yung akmang kissing scene nina Paloma at Sam Milby habang tumutugtog ang background music na “Ay Ay Ay Pag-ibig” ni Ara Mina. Obyus na mula sa kanyang outfit, sandals, makeup, hairstyle ay inalagaan si Paloma ng kanyang glam team.
May surprise dito si Jennylyn at first time niyang gumanap na guy sa movie. Walang eksena rito si Paloma na hindi kagigiliwan ng moviegoers at kainlab-inlab siya rito. Given nang mahusay si Ai Ai delas Alas na mother ni Coco sa movie, pero may mga bagong ipinakita dito ang Comedy Concert Queen na may love interest din sa movie sa katauhan ni Joey Marquez. Matindi pala ang fight scenes dito nina Coco at Sam.
Agaw eksena naman si Yorme Isko Moreno na former mayor ang role sa movie basta lahat ng cast ay may kanya-kanyang moment. Palabas na ang 3Pol Trobol ngayong Dec. 25 sa maraming sinehan sa buong bansa.
Samantala, kahapon sa Parade of the Stars, ay isa ang float ni Coco ang pinagkaguluhan ng fans lalo na’t naka-Paloma outfit ang action star sa kanilang parada. Kasama niya sa float ang leading-lady na si Jennylyn, Ms Ai at ilang co-stars sa 3Pol Trobol.
Comments are closed.