EMPLEYADO NG CAUAYAN AIRPORT NAGSAULI NG MALAKING HALAGA NG PERA

ISINAULI  ng empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa may ari ang halagang P82,000 na kanyang natagpuan sa baggage cart sa may arrival area ng Cauayan Airport.

Ayon Kay Greyson Villoria, manager ng nasabing airport, nakita ni Alexander Nunez ang isang green envelop bandang 12:08 ng hatinggabi nitong nakalipas na kakapatong sa baggage cart at agad niya ito ipinagbigay alam sa lost and found department ng airport.

Ang green envelop ay naglalaman ng importanteng dukomento ng isang overseas Filipino worker (OFW) na si Evelyn Ignacio Lakaden kasama ang ID, cellphone, passport at cash na umabot sa P82,000.

Kaugnay nito binigyan si Nunez ng komendasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) bilang pagpupugay sa kanyang ipinakitang kabaitan at pagpapahalaga sa kanyang serbisyo, at integridad. Froilan
Morallos