DEAD on the spot ang isang empleyado ng city hall ng Calbayog sa lalawigan ng Samar nang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek noong Sabado ng hapon.
Patay sa pananamaang ng dalawang armadong kalalakihan ang biktimang si Joseph Ortega habang nakaligtas naman ang kasama nitong si Manuel Sajul, 48-anyos, bagaman sugatan din ito.
Lumitaw sa pagsisiyasat na sakay ng kanyang sasakyan ang government worker nang pagbabarilin ng mga suspek sa liblib na lugar sa Barangay Marcatubig.
Agad umano, nasawi si Ortega, samantalang nasugatan ang kasama niyang si Sanjul.
Nagawang makatawag ng responde si Sajul nang magawa niyang magmaneho pa ng sasakyan hanggang sa makakita ng mga pulis na nagpapatrolya sa sa katabing barangay ng Tinambacan.
Dinala sa ospital si Sajul habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.
Patuloy ang pagsisiyasat ng Calbayog PNP sa pangyayari upang kilalanin ang mga suspek at motibo sa likod ng pananambang. VERLIN RUIZ
Comments are closed.