NAHAHARAP sa panibagong kontrobersiya ang isang empleyado ng Office of the Transportation Security (OTS) matapos idawit sa pagnanakaw ng cash mula sa Chinese passenger.
Ayon sa nakalap na impormasyon, nangyari ang insidente dakong alas- 8:18 ng gabi nitong Setyembre 8 sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.
Kinuha umano nitong OTS Screening Officer ang $300 bills sa loob ng bag ni Cai at nilunok umano nito upang walang makitang ibidensiya laban sa kanya.
Ngunit, ayon sa nakalap na report mula sa mga awtoridad hindi niya ito maitatago dahil kitang-kita sa closed-circuit television ang nangyaring nakawan sa loob ng airport.
Nadiskobre ito matapos dumulog si Cai sa mga kinauukulang makaraang maglaho o mawala ang kanyang pera sa loob ng kanyang shoulder bag pagdaan sa final security Check-in area ng paliparan.
Sapagkat doon agad nagpunta si Cai kung saan niya inilagay ang kanyang shoulder bag sa isang inspection tray sa harap ng OTS screening officer.
Lumilitaw sa records ng mga awtoridad na maaring kilala ang OTS employee sapagkat presenti ang kanyang Supervisor at ang X-ray operator, ngunit tikom ang mga bibig ng mga ito.
Hinihinalang may sabwatan ang mga ito, dahil ayon sa naturang report ng mga awtoridad na pagkatapos ng manual inspection agad na tumalikod itong SSO at may hawak sa kaliwang kamay,at mabilisan ilinipat sa kaliwang bewang.
Nakita din sa CCTV footage na isang X-ray operator ang nagbigay ng bottled water sa suspek dahil nahihirapan ito huminga, at anila maaring hindi agad malulon ang 300 hundred dollar. FROILAN
MORALLOS