MAYNILA – PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na ipatupad ang pay rules sa pagpapasahod sa kanilang mga manggagawa, para sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nagtakda sila ng mga panuntunan sa pasahod para sa nasabing araw, na idineklara ng Mala-kanyang bilang isang special non-working holiday.
Batay sa panuntunan, kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho sa nasabing araw, ang patakaran na ‘no work, no pay’ ang dapat gamitin maliban lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagtatakda ng kabayaran para sa special holidays.
Ang patakaran para sa mga nasabing holidays para sa ginampanang trabaho ay dapat bayaran ang empleyado ng karagdagang 30% ng kanyang arawang sahod para sa unang walong oras o [(Arawang Sahod x 130%) + COLA]. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.