(Employers parurusahan) WORKERS BAWAL MAGTRABAHO SA REST HOURS

ISINUSULONG ni Senador Francis Tolentino ang batas na naglalayong magbigay parusa sa mga employer na pagtatrabahuhin ang mga empleyado sa oras ng pahinga.

Layon ng Senate Bill No. 2475 Z o ang Workers’ Rest Law na protektahan ang mga oras ng pahinga ng mga empleyado at magtakda ng mga parusa sa mga employer na lalabag sa panukala.

“For instance, instead of destressing at home from the pressures of work, work is now brought to the employees’ homes or wherever they go. Similarly, due to advances in technology, employees are now virtually always at the beck and call of their employers,” ayon kay Tolentino.

“The power of control of employers now overreaches beyond working hours through the use of phone and email,” dagdag pa ng senador.

Nabanggit niya na naging prominente ito dahil mas maraming empleyado ang nasa work from home setup dahil sa pandemya.

“This bill defines the rest hours of employees, and prohibits employers from exacting work or contacting employees, without the latter’s consent, during rest hours,” ani Tolentino.

“An employer that violates the prohibitions set in this bill will be penalized with a monetary sanction and a fine, or with imprisonment if attended with coercion or resulted in discrimination,” dagdag pa ng mambabatas.  LIZA SORIANO