MALIBAN sa kanyang career sa Kapuso network ay nagpapatakbo na rin ng first business venture niyang King’s Cup Blend si Empress Schuck. Isa itong beverage company offering, a wide selection of milk tea and frappe products. Kasosyo rito ni Empress ang isa sa closest friend ng boyfriend niyang si Vino Guingona na si Andrei Lim.
Sa exclusive interview sa actress during the grand opening of her King’s Cup ay ibinahagi ito kung paano nabuo ang kanilang business na located sa may Farmer’s Plaza, Cubao, Q.C.
“Si Andrei, ay friend at schoolmate ng boyfriend kong si Vino sa De La Salle. Eh ako, matagal na akong naghahanap ng business and then suddenly, itong si Andrei, may iminungkahi siya sa akin na business, which is King’s Cup. Matagal na talaga naming pinag-aralan so iprinisinta niya lang sa akin baka magustuhan ko. So sabi ko ‘Why not?’ kasi magsa-summer din naman sobrang init sa Pilipinas,” Schuck said.
“So wala pa rin namang gumagawa ng ganitong klaseng concept na may milk tea, may frappe, tapos ‘yung parang sikat ngayon na parang Mango Graham. So we have it, everything, all in one in cart na. I like the concept so siyempre, siya nagsimula. Parang naging interested lang ako so sabi ko ‘Sige sige, let’s do this,” dagdag pa ng Kapuso actress.
JEROME PONCE AT JANE OINEZA
PINALAKPAKAN SA PREMIERE NIGHT NG PELIKULA
NAPUNO nina Jerome Ponce at Jane Oineza ang buong sinehan last Monday, sa Premiere sa SM Megamall Cinema 7 ng “Finding You,” under Regal Entertainment, Inc. Sinuportahan ang kanilang premiere night ng kapwa Kapamilya stars na sina Elmo Magalona, Donny Pangilinan, Albie Casi-ño at RK Bagatsing.
Opening scene pa lang ng movie ay kita mo na ang ganda at kakaibang takbo ng istorya na malinaw ang tinutumbok ng kuwento at character ni Je-rome Ponce bilang Nel na may hyperthymesia na hinahanap ang kanyang true love. Ibinabase sa kanyang nakaraan o throwback post. Pero, hindi niya ito natagpuan kina Grace (Barbie Imperial), Claire Ruiz at Kate Alejandro dahil ang babaing matagal ng hinahanap ng puso ni Nel, ay ang kababata at best friend niyang si Kit (Jane Oineza).
Sobrang husay ni Jerome sa kanyang first lead role, na nagpakita ng iba’t ibang emosyon ng kasawian sa pag-ibig. Buong husay rin nagampanan ni Jane ang kanyang karakter. Big surprise naman ang appearance ni Sue Ramirez na makakatuluyan ni Jerome.
MELANIE MARQUEZ ENJOY KAHIT NASABUGAN
SA “BOOM” SEGMENT NG EAT BULAGA
KAHIT pa nasabugan sa patok na segment sa Eat Bulaga na “Boom” ang former Miss International 1979 na si Melanie Marquez dahil sa maling sa-got nito, na-enjoy niya at ng co-beauty queens nitong sina Miss Universe 2010 fourth runner-up na si Venue Raj at MJ Lastimosa na naging Top 10 finalist naman sa Miss Universe 2014 ang kanilang paglalaro sa Boom na hino-host ni Bossing Vic Sotto kasama sina Alden Richards at Boss Boom Ryzza Mae at Baeby Boom Baste. May pagka-komedyante ang dating ni Melanie na tawang-tawa sa mga pinaggagawa niya sa show.
Pero kahit may na-boom sa grupo ay nakapag-uwi pa rin sila ng cash prize. Hindi nagpapaluha ang nasabing segment dahil lahat ay uuwing may premyo.