EMPRESS SCHUCK NAUDLOT, NAGBALIK SA PAGIGING KAPUSO

EMPRESS SCHUCK-2

DAPAT pala, three years ago ay nasa GMA Network na si Empress Schuck, pero nang magsimula na siyashowbiz eye roon, saka naman siya nagkaroon ng unplanned pregnancy, kaya wala rin siyang nagawa kundi huminto muna.

Ngayon, she’s back sa GMA Network na ulit.

“Freelancer po naman ako, kaya pwede akong gumawa ng projects sa dalawang network,” sabi ni Empress. “Happy ako nang after ng “Asintado” ko sa ABS-CBN dumating ang offer ng GMA at ito ngang “Hiram Na Anak” ang ginagawa namin nina Yasmien Kurdi, Dion Ignacio, Lauren Young at Paolo Contis.”

Pero bago iyon, nag-guest muna si Empress sa “My Special Tatay” bilang ang young Lilet as Isay sa toprating Afternoon Prime na pinagbibidahan ni Ken Chan.

Hindi ba siya hirap mag-taping lalo na at med­yo malayo ang location nila?

“Hindi po naman, kailangan ko lamang gumising nang maaga para hindi ako ma-traffic going to Angeles, Pampanga,” sabi ni Empress.  “Medyo okey na ang baby namin, si Athalia, dahil three years old na rin siya at pumapasok na sa toddler class.  Mayroon akong yaya at isang relative na nakatira sa bahay para may kasama sila kapag wala ako o ang daddy niya.  Minsan naman, free ang schedule ng daddy niya kaya sila magkakasama sa bahay kapag may taping ako.  Masarap nang laruin si Athalia.”

After giving birth nga raw kay Athalia, ang anak na ang naging priority ni Empress, na siyang nagbibigay ng saya sa family nila.

Sa “Hiram Na Anak,” si Empress ay si Wena, a doting yet naive department store saleslady who falls for Benjo (Paolo).  Magkakaanak sila pero hindi matanggap ni Wena na may isa pa silang kasama sa bahay, si Dessa (Lauren) na girlfriend din ni Benjo.

Sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr., mapapanood na simula ngayong Lunes, Pebrero 25, ang “Hiram Na Anak” sa morning slot, 11:15AM, bago ang “Eat Bulaga” sa GMA 7.

JO BERRY ‘DI MAKAPANIWALA NA NAGKA-AWARD

AYAW palang maniwala ng actress na si Jo Berry nang sabihin sa kanyang nanalo siyang Most Promising Female Star for Television mula sa 50th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), dahil sa mahusay niyang pagganap bilang si Onay sa primetime telebabad na “Onanay” ng GMA Network.

“Akala ko po ay binibiro lamang ako nang nagsabi sa akin, until binati na po ako ni Nanay Nora (Aunor) at ni Ms. Cherie (Gil) sa taping namin, sabi ni Jo.  “Kaya labis-labis po ang pasasalamat ko sa lahat ng pumili sa akin at salamat din po sa lahat ng sumusu­baybay sa aming teleserye.”

Kaya nga may netizens na nagri-request  pang i-extend ang “Onany,” pero nasa last three weeks na lamang sila at ayon kay Jo, mami-miss niya ang masaya nilang set at ang mga kasama sa serye tulad din ng da­lawang young actress na mga anak niya, sina Mikee Quintos at Kate Valdez, at sina Gardo Versoza, Wendell Ramos at ang director nilang si Gina Alajar.

Ang “Onanay” ay napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng “Kara Mia.”

Comments are closed.