EMPTY CONTAINERS BAWAL IPASOK SA MICP

MICP-2

NANINDIGAN ang Bureau of Customs (BOC) na bawal ipasok ang mga empty container sa loob ng Manila International Container Port (MICP) at sa Port of Manila kung walang special permit to load (SPTL).

Ito ang paulit-ulit na naging pahayag ni Deputy Commissioner Edward James A. Dybuco ng Assessment Operations and Collection Group (AOCG), batay sa kanyang ipinalabas na Memorandum na may petsang  Hunyo 25, 2019.

Ang nasabing memo ay para maiwasan ang pagkakatambak  ng mga empty container sa loob ng MICP.

Ayon kay Dybuco, dapat ay mahigpit na ang Customs Memorandum Order (CMO) No. 13-2019, na inisyu ng BOC para masunod ang interim guidelines sa pagsasauli ng mga walang lamang kontiner sa POM at MICP.

Aniya, ang CMO na ito ay inilabas  ng BOC  upang magkaroon ng solusyon ang problema sa port congestion sa mga empty container na nakatambak  sa bakuran ng ATI, POM, ICTSI at MICP.

Ang empty containers na covered ng SPTL ay kailangang dalhin sa mga designated area sa loob ng 72 oras bago ang nakatakdang araw o oras  ng loading  sa  sasakyan  para maire-export sa  abroad.

Samantalang ang empty containers na hindi covered ng SPTL at ang kasama sa  SPTL, ngunit darating ng lagpas 72 oras ay hindi papayagang pumasok sa designated areas ng ATI at ICTSI. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.