ENCANTADIA GIRLS PASOK SA VICTOR MAGTANGGOL; FANS NEGA-REACT AGAD

Victor Magtanggol-Encantadia

GRABE ang reaction ng mga fans na kontra sa paggi-guest ng mga Sang’gre ng “Encantadia” sa actionshowbiz eye-drama-fantasy series ni Alden Richards na “Victor Magtanggol.”  Masasakit ang mga post nila laban kay Alden, sa series at sa GMA Network.  Iisa ang tinutukoy nila, bakit daw superhero si Victor Magtanggol/Hammerman, hihingi ng tulong sa mga babae?  Ang caption ng photo ng mga Sang’gre at ni Alden ay “Tu-tulungan si Victor?”

Sa interview sa mga Sang’gre sa Chika Minute last Monday evening, sabi ni Sanya Lopez, “tutulu­ngan si Victor o kami ang tutulungan ni Victor?”  Si Kylie Padilla: “maganda, matutuwa kayo kapag napanood n’yo.” Bitin naman ang sagot ni Glaiza de Castro na “may mangyayari kasi, basta…!”  Isa rin sa kasamang Sang’gre si Gabbi Garcia.

Bakit kasi hindi muna panoorin bago mag-comment at hindi sila makasakit ng damdamin ng mga nanonood sa serye at ng buong production team ng “Victor Magtanggol.” Tingnan mo naman ang mga account nila, kung hindi private, wala pang post kaya alam mong ginawa lamang para sila mang-asar.

Pero mas marami namang nag-like sa photo at palagay namin fans sila ng “Encantadia” dahil excited na silang mapanood, miss na miss na raw nila ang mga Sang’gre at papanoorin daw nila ito kapag pumasok na sila.  Nagri-request nga silang sana raw ay isunod na ng GMA sa “Victor Magtanggol” ang book two ng “Encantadia.”

Abangan ang pagpasok ng mga Sang’gre sa “Victor Magtanggol” pagkatapos ng “24 Oras” gabi-gabi sa GMA 7.

Para makaiwas sa negatrons

JANINE GUTIERREZ IPINAHINGA ANG TWITTER ACCOUNT

JANINE GUTIERREZISA rin sa ayaw na ayaw ng mga basher ng “Victor Magtanggol” ay si Janine Gutierrez, leading lady ni Alden Richards at natuwa sila nang nag-deactivate daw ng Twitter niya ang actress.

Mabilis namang sinagot ito ni Janine nang ma-interview siya sa contract signing niya sa Regal Films ng first movie niyang ang “Elise.”

“Hindi po ako nag-deactive ng Twitter ko, pinagpahinga ko lamang,” sagot ni Janine. “Napansin ko rin po kasi na parang masyado na akong dependent sa social media, paggising ko, iyon na ang una kong tinitingnan.  Natuwa po lamang akong mag-post ng mga scene  sa VM, parang promotion na rin, kung ano po ang ipa­lalabas gabi-gabi, lalo na iyong fight scenes.

“Pero iyon lang pong sa Twitter ang pahinga muna.  Kasi parang natatakot ako na baka maniwala na ako doon sa mga sinasabi ng ibang tao.  Kaya ibabalik ko naman po, inaayos ko lang, gusto ko rin talagang mag-ayos ng social media ko. May inihahanda po akong website at isasabay ko sa pagbubukas nito ang pagbabalik ng Twitter account ko.”

Busy rin naman si Janine para isipin ang mga basher niya dahil bukod sa “Victor Magtanggol,” sisimulan na nga niya ang shooting ng “Elise” na katambal niya si Enchong Dee.  Hindi ito ang una nilang pagtatambal ni Enchong dahil in 2016, nagtambal na sila sa isang indie film, ang “Lila.”

Excited si Janine to work sa Regal Films dahil magkasama roon at magka-love team ang parents nilang sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.

Comments are closed.