ENCHANTED KINGDOM NAGPABUYA SA MGA EMPLEYADO NOONG LABOR DAY

BINUKSAN ng Enchanted Kingdom ang kanilang pintuan sa parkgoers na naghahanap ng masa­yang oras away from the city. At dahil ang Mayo 1 ay non-working holiday, lahat ng mga empleyadong Pilipino ay nagkaroon ng rason para magtungo sa Sta. Rosa.

Naging isang certified red letter day ang May 1 sa EK para sa lahat ng hardworking professionals, workers at laborers.

Isang special Labor Day treat ang naghintay sa mga bonafide employees sa pagpasok pa lang sa number one theme park ng bansa.

Ang mga bumili ng 5 tiket ay nagkaroon ng instant discount na P1000. Nagkaroon ng guaranteed savings na puwedeng ibili ng pagkain o souvenirs. ‘Yun daw ang maliit na handog ng Enchanted Kingdom para sa working class.

Ang Enchanted Kingdom ay nasa negosyo ng pagpapasaya sa mga tao at magbigay ng “the grandest, most magical time.”

At Enchanted Kingdom, the magic lives forever.

 

 

Comments are closed.