(ni AIMEE GRACE ANOC)
ISA ang Filipinas sa may mataas na kaso ng sakit na diabetes sa buong mundo. Tinatayang 14 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga nagkaroon ng diabetes ang naitala sa Filipinas. Ayon sa International Diabetes Federation Western Pacific (IDF WP) region, noong 2017, sa kabuuang bilang na 60,327,000 milyong populasyon ng mga matatanda sa bansa, halos apat na milyon dito ang mayroong diabetes.
Kilala ang Filipinas bilang “Diabetes Hotspot” na kung hindi kaagad mabibigyang aksiyon, sa pagtataya ng mga lokal na eksper-to, ay maaaring mas tumaas pa ang bilang na aabot sa 20 porsiyento sa taong 2045, at mahigit sa 100,000 na mga Filipino ang ma-mamatay kada taon dahil sa iba pang komplikasyon dulot ng diabetes.
EDWIN VELARDE’S ADVOCACY
Ngayon, patuloy ang iba’t ibang organisasyon, institusyon at maging ang lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng pag-aaral, pagkakaloob ng tulong at inspirasyon maging ang pagbibigay ng paalala’t kaalaman sa maaaring maidulot ng sakit na diabetes sa buhay ng bawat mamamayan.
Isa ang adbokasiya ni Mr. Edwin A.Velarde, dating presidente ng Rotary Club of Westlake Village, California, USA at kasalu-kuyang board member ng Rotarian Action Group on Diabetes, na “EPiC Journey Against Diabetes” na sinimulan limang taon na ang nakalilipas upang makapagbigay ng kaalaman tungkol sa sakit na diabetes, paalala sa peligrong maidudulot nito sa buhay ng isang tao, at sa patuloy na paglaganap ng sakit na ito sa buong mundo.
Ibinabahagi ni Velarde ang adbokasiyang ito sa pamamagitan ng bike tour. Kamakailan lamang ay nakapagbigay inspirasyon si-ya sa apat na Rotary International Conventions sa iba’t ibang bansa. Ito ay ang Busan to Seoul, South Korea; Rotary Club of Chica-go/ONE to Atlanta, GA United Sates; Rotary World Headquarters sa Evanston, IL to Toronto, ON Canada at ngayong 2019, mula London, United Kingdom hanggang sa Hamburg, Germany.
Sa pagpunta ni Edwin Velarde rito sa Filipinas nitong Agosto, nakipagtulungan siya sa Rotarians sa Rotary District 3820 upang maipagpatuloy ang kanyang adbokasiya. Malaki ang pag-aalala ni Velarde sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Filipino na nagkakaroon ng sakit na ito.
Sinuportahan ng una at natatanging world-class theme park sa bansa—ang Enchanted Kingdom ang paglalakbay na ito ni Ve-larde at ng kapwa niya Rotarians sa Filipinas sa pagsasagawa ng “breakfast in the Park” noong Agosto 23 para sa mga lumahok sa bike tour mula Metro Manila sa baybayin ng Lawa ng Laguna haggang sa Batangas Provincial Capitol at sa iba pang bahagi ng probinsiya ng Laguna. Nagsimula ang kaniyang bike tour alas-7 ng umaga kung saan ay sinabayan siya ng tatlo pang siklista na sina Loiue Reyes ng Team Franzia, Elmer “Choy” Barquilla ng Rotary Club of Tanauan, at Philip Joey Carcellar ng Rotary Club of Calamba hanggang sa makarating sa parke.
Ibinahagi ni Velarde ang kaniyang mga naging karanasan bilang isang indibiduwal na mayroon ding sakit na diabetes. Sa edad na 29 ay na-diagnosed siyang may type 1 diabetes at sa loob ng maraming taon ay nakipaglaban sa sakit na ito. Ginamit niya itong inspirasyon upang makabuo ng isang nutrition program at isinama ang pagbibisikleta (cycling) sa kanyang pamumuhay. Sa pama-magitan nito ay nakatagpo siya ng panibagong lakas na siyang ginagamit niya ngayon upang maibahagi ang kanyang adbokasiya at umaasang makapagbigay inspirasyon din sa iba pa tungkol sa Global Diabetes Epidemic.
“The challenges of the taxing tropical weather to my type 1 diabetes condition during monsoon season make this a true EPiC Journey Against Diabetes,” pagtatapos ni Velarde.
ANO ANG DIABETES?
Ang diabetes ay isang sakit kung saan ang lebel ng iyong blood glucose o blood sugar ay masyadong mataas. Ang glucose ay nagmumula sa mga kinakain. Samantalang ang insulin naman ang tumutulong upang makapasok ang glucose sa mga selula (cells) sa iyong katawan upang maging enerhiya.
Sa type 1 diabetes, ang iyong katawan ay hindi gumagawa ng insulin. Isa sa pinakakaraniwang uri ay ang type 2 diabetes kung saan ang katawan ay hindi maayos na gumagawa o gumagamit ng insulin. Sa kakulangan ng insulin, nananatili ang glucose sa dugo na nagiging sanhi ng sakit na diabetes.
Maaari ka ring magkaroon ng prediabetes kung saan mas mataas sa normal na lebel ang iyong blood sugar pero hindi sapat para tawaging diabetes.
Ang pagkakaroon ng masyadong mataas na glucose sa iyong dugo ay maaaring maging sanhi ng iba pang malalang sakit tulad ng heart disease, stroke, at maging ang pangangailangan na tanggalin o putulin ang iyong binti at paa. Maari ring mapinsala ng sakit na ito ang iyong mata, kidneys at mga ugat.
Ang karaniwang nagkakaroon ng sakit na diabetes ay nasa edad 45, may high blood pressure, overweight, may mababang lebel ng HDL (good) cholesterol, inactive lifestyle, may depresyon, mayroong family history ng diabetes, at iba pa.
Upang matulungan ang sarili na maiwasang magkaroon ng sakit na ito, ugaliin ang pag-eehersisyo, pagpapanatili ng tamang timbang, pagkain ng masusustansiyang pagkain kasama ang pag-iwas sa matataba at matatamis na pagkain, gayundin ang paglimita sa pagkain ng red meat at processed meats, iwasan ang paninigarilyo at parating sumangguni sa iyong doktor.
Comments are closed.