(Ni AIMEE GRACE ANOC)
MAHIGIT dalawang dekada nang pagbibigay kasiyahan, pagbubuklod ng bawat pamilya at pagpapatibay ng samahan ng magkakaibigan, hindi tayo binigo ng nag-iisa at natatanging world-class theme park sa bansa—ang Enchanted Kingdom.
Sa paglipas ng mahabang panahon, mula sa kauna-unahang pagbubukas nito noong Oktubre 19, 1995, pinanatili ng Enchanted Kingdom ang mga nauna ng atraksiyon at rides nito para na rin sa pagpreserba ng magagandang alaala at natatanging karanasan ng mga taong bumisita at muling bibisita sa kanila.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapaganda at pagsasaayos sa parke para sa paghahatid ng magical experiences sa lahat. At sa kanilang ika-24 ani-bersaryo, naghanda ang EK ng mas maraming surpresa at nakaka-excite na mga gawain para sa mas pinaraming experience ng mga bibisita rito. Katu-wang ang iba pang brands, sinisiguro ng EK na magiging extra special ang selebrasyon ngayong taon. Kaya markahan na ang inyong mga kalendaryo at yayain na ang barkada at pamilya—to experience more magic.
“It has been a very long journey, but the journey has been very meaningful. In that we’re able to bring a lot of positive experiences and happiness to the generation of guests. For the 25th year anniversary, kung nu’ng 2015-2016 mayroon tayong Agila, siguro kung mahahalata ninyo na every two or three years mayroon tayong bagong ride, masisiguro ko sa inyo na sa 25th anniversary mayroong bagong ride,” pagbibigay salaysay ni Mario Mamon, nagtatag ng Enchanted Kingdom, para sa selebrasyon ng ika-24 anibersaryo ng EK at sa paghahanda sa silver anniversary nito sa 2020.
Sa darating na Oktubre 19, asahan ang serenade selebrasyon ng Enchanted Kingdom kasama ang “Ben and Ben”, humanda sa isang serenade con-cert at sumabay sa kanilang mga chart-topping song tulad ng “Pagtingin” na pangalawa ngayon sa Spotify charts. Ilabas ang pagiging creative ng in-yong mga anak sa art activities na inihanda ng EK sa kanilang “Live mural” kung saan sasamahan tayo ng tatlo sa pinakamagagaling na local creative talents sa bansa na sina June Digan, Anina Rubio at Jareth Correa. Gayundin, makikisaya ang mga sikat at paborito nating social media infuencers sa bansa kung saan ay naghanda sila ng mga pagtatanghal para sa atin.
Magkakaroon din ng “Fun Booths and Activities” kasama ang Traveloka, Krispy Kreme, GoPro, Nikon at marami pang iba.
Mamangha sa kanilang “Enchanting Shows” tulad ng “Eldar’s Enchanting Symphony” at “Princess Maphista’s Moon-stone Parade”. Sa pagtatapos ng kasiyahan kasama ang mahal sa buhay panuorin ang inihandang “Fireworks Display” ng Enchanted Kingdom. Halina at sama-samang makisaya sa selebrasyon ng Enchanted Kingdom—“The Magic Lives Forever!”