AMINADO ang magaling na Kapamilya actor na si Enchong Dee na nagkaroon siya ng guilty feelings kay Rayver Cruz at kay Janine Gutierrez sa kissing scene na ginawa niya at ng kaibigan na si Janine.
Ani ni Enchong, after na mai-shoot na ang kissing scene nila ni Janine sa movie nila together na “Elise” ay nagkaroon siya ng awkward feeling. Say ng actor, feeling niya kasi ay inisahan niya ang boyfriend ng kanyang kaibigan na si Janine at close friend din ni Enchong noong magkasama pa sila sa Kapamilya Network ni Rayver.
Feeling ni Enchong that time ay ‘nawalan’ siya ng isang tunay na kaibigan sa katauhan ni Rayver. Naramdaman naman ni Janine ito kay Enchong kung kaya dinaan na lang nilang dalawa sa biro at tawanan ang pangyayari. Na-develop ang magandang pagka-kaibigan nina Janine at Enchong noong una silang nagsama para sa isang indie movie na may pamagat na ‘Lila” at dahil magaan ang pakiramdam ng bawat isa ay nagtuloy ang friendship nila kahit magkalabang estasyon ang pinagtatrabahuhan. Nandoon ang support ng bawat isa.
Tulad na lang ng first time na nagpa-sexy pictorial si Janine, all out ang support ni Enchong sa kaibigan. At dahilan na rin sa closeness ng dalawa ay marami ang nagsasabing hindi raw bagay silang maging magka-loveteam o magkaroon ng relasyon sa isa’t isa sa isang project.
Ani naman ni Enchong, bilang actor ay ginagawa lang nila ni Janine kung ano ang nasa script at sana naman daw ay huwag husgahan ang working relationship nilang magkaibigan pagdating sa sa trabaho.
‘SALUDO’ PAGPUGAY SA BAYANING FILIPINO
KAKAIBA at kapuri-puri ang konseptong nilikha ng mayamang kaisipan ng producer ng LSY Productions na si Ms. Leonora Sy at sa pakikipagtulungan ng PNP-Police Community Relation Group o PCRG sa pamumuno ni General Rhodel Sermonia.
Kakaiba dahilan sa isang weekly anthology show na may pamagat na “Saludo” na nagsimula kagabi at tuwing Linggo, mula 8pm hanggang 9pm sa PTV 4. Ipapakita sa masa ang mga kasalu-saludong ginawa ng isang mamamayan, may katungkulan man sa gobyerno o ordinaryong tao na nagbigay ng kanilang serbisyo para sa komunidad na hindi naghangad ng anumang kapalit kundi ang makatulong sa kapwa.
Tulad na lang ng first episode nang “Saludo” kung saan ay feature ang mga serbisyong naibigay ni Gen. Ronald ‘Bato’ dela Ro-sa sa masa sa pamamagitan ng kanyang makontrobersiyal na war on drugs, most especially ‘yung tinatawag na “Tokhang.” Walang takot na hinarap ni Gen. Bato na ginampanan ng actor na si Polo Ravales ang laban kontra sa droga kahit pa ang makakabangga niya ay ang mga mayayaman at kapwa niya men in uniform.
Ang susunod na episode naman ng “Saludo” ay tatalakay sa kabutihang nagawa ng isang dating drug addict na naging pastor. Ang pagsalba niya rin sa kapwa na nalulong sa droga at paghahatid ng magandang balita sa mga ito.
Ani ng butihing producer ng show na si Ms. Leonora Sy tatayong moderators o hosts sila ng co-producer niyang si Gen. Rho-del Sermonia. Bukod kasi sa kapupulutan ng aral ang kanilang show, kahit ang mga kapulisan o ‘yung tinatawag nilang “Guwapu-lis” ay nabigyan ng break, hindi lang sa pagsugpo ng kriminilidad kundi pati na rin ang natatago nilang acting talent.
Sa susunod naman ay mapanonood at ipapamalas naman ng mga Gandang Pulis ang kanilang beauty and talent.
Comments are closed.