ENCHONG DEE MAY SARILING BUILDING AT RESTO; MAY MOVIE WITH JANINE GUTIERREZ

ENCHONG DEE

DAHIL sa sobrang sinop sa kanyang mga kinikita bilang artista at product endorserentra eksena ay bukod sa matagal ng may sari­ling building somewhere sa Cubao ang lead actor ng Elise (pinagbibidahan ni Janine Gutierrez) ng Regal Entertainment Inc na si Enchong Dee, ay mayroon na ring franchise resto na Peri-Peri Charcoal and Sauce Bar ang hunk actor-singer.

Si Enchong din ang endorser ng Peri-Peri at taong 2017 ay itinayo nito ang kanyang pag-aaring resto matatagpuan sa 4th Level sa SM Megamall Bldg A at in fairness dinudumog ito araw-araw ng mga kostumer.

Going back to Elise, na palabas na sa Peb. 6 ay marami ang nagsasabi na malakas ang chemistry nina Enchong at Janine. Maganda ang reviews sa trailer nito na hu­mamig na ng libo-libong views sa official Facebook page ng Regal Multimedia at sa Youtube.

Iisang true to life story ang nasabing romantic comedy movie na dinirek ni Direk Joel Ferrer.

CHRISTIAN GIO PINAGHAHANDAAN NA ANG PAGSABAK SA INDIE FILM

PABALIK na ng Manila this week ang young actor/dancer/event host na si Christian indie filmGio, galing sa isang buwang bakas­yon sa Cebu kung saan naroroon ang kanyang buong pamilya. Base sa mga post ng guwapong actor sa kanyang Facebook account (in all fairness marami itong followers sa social media) ay naging masaya ang kanyang pamamalagi sa Cebu at in-enjoy niya ang vacation niya rito and I’m sure proud sa actor ang kanyang family at mga kaanak na napapanood na siya sa mga show ng ABS-CBN at GMA.

Lumabas rin siya at naging parte pa ng Reality show sa Net25 na Ang Galing Ng Pinoy. Pagbalik ni Christian ay magiging busy siya sa i­lang TV guestings at mga event ng Retasso kung saan ay madalas niyang makasama rito ang mga co-talent na sina Neil Antonio at Alexis Cabrera sa ma­nager nilang si Ronnie Cabreros na tiyuhin niya sa totoong buhay. At thankful siya kay Direk Reyno Oposa na unang magbibigay sa kanya ng break sa indie movie.

GAY STAND-UP COMEDIANS NABIBIGYAN NG MALAKING EXPOSURE SA BAKCLASH NG EB

DAHIL sa host ng isa sa popular segment sa Eat Bulaga na “BakClash” na si Paolo bakclashBallesteros na gayang-gaya ang mga tulad nina Britney Spears at Mariah Carey ay nagiging very entertaining ito.

Tapos ang mga kalahok ay ang mga bading na nagpe-perform sa iba’t ibang comedy bars ang resulta ay super riot lalo na kapag nag-ookrayan sa bawat performance. At ‘yung mga nangibabaw sa BakClash ay may sorpresang hatid ngayong Sabado, Enero 12 at abangan ang BakClash Hall of Divas na sina Neurie, Echo, Raven, EJ at Yvonna sa isang biga­ting Vocal Showdown na siguradong  hahangaan niyo.

Comments are closed.