ENDANGERED SPECIES NASABAT NG BOC

KINUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang parcel na naglalaman ng buhay na leopard gecko na pinaniniwalaan galing sa bansang Thailand.

Ayon kay BOC-NAIA district collector Mimel Talusan, ang leopard gecko ay itinago sa loob ng isang plastic container at dumating ito sa Pair Cargo warehouse noong Hulyo 5 ng walang import permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Batay sa impormasyon, nadiskobre ng mga tauhan ng BOC ang live leopard gecko matapos sumailalim ang parcel sa 100 percent examination ng customs examiner.

Ayon sa mga tauhan ng DENR, ang live leopard gecko ay umaabot sa P20,000 ang halaga at sa ilalim ng International Trade in Endangered species of Wild Flora and Fauna (CITES) ito ay kinokonsidera na isang endangered species kung kayat protektado ito ng RA 9147 o tinatawag na Philippine Wildlife

Resources Conservation ang Protection Act.

Anila, ang pagkolekta o collection at pagbenta ng mga hayop na ito ay kinakailangan ng import permit mula sa Biodiversity Management Bureau ng DENR at ang mapatunayan lumabag ay may karampatang kaparusahan ng apat (4) na taon na pagkakulong at multa na hindi bababa sa P300,000.00.

Dagdag pa ni Talusan, nilabag ng importer ang Section 1113 in relation to Section 117 ng RA 10863 o tinatawag na Customs Modernization at Tariff Act (CMTA), at ang Section 11 ng RA 9147.

Agad ilinipat ng BOC ang mga nakumpiskang wildlife species sa pangangalaga ng DENR, bilang pagsunod sa Section 8 ng Customs Administrative Order No. 10-2020. FROILAN MORALLOS

40 thoughts on “ENDANGERED SPECIES NASABAT NG BOC”

Comments are closed.