HINIKAYAT ni Environment Secretary Roy Cimatu ang publiko sa anumang maitutulong upang masugpo ang bumababang bilang ng population ng mga endangered animal species.
“May obligasyon tayong pangalagaan ang ating planeta at ang Earth Day ang siyang tamang panahon para simulan ang mga maliliit na bagay na magagawa natin para maging kaaya ang lugar na ating tinitirhan, saad ni Cimatu.
Sa ginanap na 49th Anniversary ng Earth Day sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Nature Center Amphitheater sa Quezon City na may temang “Protect Our Species” sinabi ni Cimatu na ito ay paalala para mapangalagaan ang ating planeta sa pagkakasira ng kalikasan.
Aniya, kailangan ang aktibong pakikipagtulungan ng bawat isa sa bumababang bilang ng mga endangered species sa bansa gaya ng Philippine monkey, flying lemur, giant flying fox at tarsier.
Binigyang diin ni Cimatu na ito ay napapanahon sa sunod-sunod na operation na isinasagawa ng ating mga law enforcers na nag resulta sa malawakang pagkakakumpiska ng mga live wild animals.
“It was indeed timely as the country just witnessed series of law enforcement operations that resulted in massive seizures of live wild animals and arrest of wildlife criminals—proof that the Philippines remains steadfast on its commitment to fighting illegal wildlife trade that is driving endangered species to the brink of extinction.”, dagdag pa ni Cimatu.
Idinagdag pa ni Cimatu na ang pangangalaga ng kapaligiran ay ‘di lamang solong responsibilidad ng gobyerno kundi katuwang dapat ang publiko upang mas maging matagumpay.
Aniya, may mga simpleng pamamaraan para maprotektahaan ang kapaligiran katulad ng pagtitipid ng tubig at enerhiya, pagtangkilik ng malinis ng langis at tamang waste management. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.