‘ENDING’ ‘DI GAGALAWIN NI DIGONG

ENDING

HINDI na pinagagalaw pa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang sugal na ‘ending’.

Sa talumpati ng Pa­ngulo sa 118th Police Service anniversary sa Camp Crame, sinabi ng Pangulo na huwag nang pakialam pa ang “last two” o ending dahil larong pang mahihirap  lang  aniya ito at maliit lamang ang taya rito kaya’t hayaan na lamang ito.

Mayroon  umano kasing hinuli pa sa pagpapataya ng ending sa Davao at kinalabasan ay si Senador Bong Go pa ang nagbayad ng piyansa dahil wala itong pera.

Ngunit nilinaw ng Pangulo na maaaring hulihin ang mga sangkot sa ending kung ito ay pinatatakbo na ng sindikato o mga hustler.

Binanggit din ni Pa­ngulo ang video karera kung saan maaari na ring hindi pakialaman ang mga awtoridad.

Ayon sa Pangulo,  kung hihigpitan masyado ang pagpapatakbo sa lahat ng uri ng sugal ay mawawalan ng hanapbuhay ang maraming mahihirap na Filipino at nanganganib umanong mamayagpag sa kanila ang ilegal na droga.  DWIZ882

Comments are closed.