ENDO APRUB NA SA SENATE COMMITTEE

Sen Joel Villanueva

APRUBADO na sa Senate committee on labor, employment and human resources development ang End of Endo Bill o Senate Bill No. 1826.

Ayon kay Senador Joel Villanueva, chairman ng nasabing komite, isasalang ito sa plenary debates ng Senado pagbalik ng sesyon sa Hulyo 23.

Dagdag pa ng senador, hindi umano magigipit ang mga negosyante sa sandaling maisabatas na ang panukalang batas na nagbabawal sa labor only contracting.

Ayon pa kay Villanueva, kapag naisabatas na ang End of Endo Bill, hindi magigipit ang mga negosyante, magi­ging pabor pa umano ang mga ito dahil kapag natigil ang Endo at nagkaroon ng security of tenure ang mga manggagawa, mas produktibo at masigasig ang mga ito sa trabaho.

“Ending endo is not anti-business. Guaranteeing the right to security of tenure gives our workers certainty and social protection,” ani Villanueva.   VICKY CERVALES

Comments are closed.