NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapatupad ng mga hakbangin para makatipid ang bansa sa paggamit ng koryente.
Nakasaad sa Republic Act No. 1285 o ang Energy and Conservation law na i-promote ang paggawa at paggamit ng mga renewable energy technology para masiguro ang matatag na power supply ng bansa.
Sa ilalim nito, bubuuin ang “National Energy Efficiency and Conservation Plan” na magsisilbing national framework para sa mga program tungkol sa pagtitipid sa koryente.
Ang Department of Energy ang mangunguna sa implementasyon ng batas.
Inaatasan din na ang lahat ng ahensiya ng gobyerno ay tiyakin ang wastong paggamit ng koryente sa kani-kanilang opisina at pasilidad.
Inaatasan din ang mga construction firm na sumunod sa minimum requirements set sa “Energy Conserving Design on Buildings.”
Habang ang DOE ay gagawa ng mga pamalit o alternative fuels na environment-friendly.
Ang mga establisimiyentong lalabag sa energy efficiency standards ay papatawan ng multang P10,000 hanggang isang milyong piso at pagkakakulong sa mga responsable rito ng isa hanggang limang taon.
Comments are closed.