ENERGY COOPERATION PACT NILAGDAAN NG PINAS, JAPAN

LUMAGDA ang mga pamahalaan ng Japan at Filipinas sa isang technical cooperation agreement upang mapagbuti ang electricity infrastructure at power generation efficiency ng mga bansa sa Southeast Asia.

Ayon sa Department of Energy (DOE), nilagdaan nina Energy Secretary Alfonso Cusi at Japanese Ministry of Economy, Trade, and Industry (METI) Deputy Director-General Kazuhisa Kobayashi ang letter of intent (LOI) sa Japanese Prime Minister’s Office sa central Tokyo noong Miyerkoles.

“The technical cooperation involves the identification of issues and remedial measures based on Japanese experience and knowledge,” wika ng DOE.

Ang mga isyu at hakbangin ay kinabibilangan ng panukalang institutional arrangements na mag-uudyok sa instalasyon ng reliable facilities; pagsasanay sa Philippine government at independent power producers upang palakasin ang operasyon at maintenance quality ng thermal power plants; at pagbabahagi ng rehabilitation diagnosis results kaugnay sa action plan.

Ang plano ay resulta ng mga serye ng coordination meetings sa pagitan ng DOE at METI officials upang maresolba ang mga isyu sa power sector.

Ito ay base sa pag-aaral ng METI sa sitwasyon sa Filipinas na sumasaklaw sa supply-demand outlook, electricity tariff, electrification rate at disaster resiliency.

“Disaster resiliency is a complement to the DOE’s performance assessment and audit of power generation, transmission, and distribution systems and facilities, according to the department”.

Ang kasunduan ay kaugnay sa tungkulin ng DOE na magpakalat ng impormasyon batay sa energy research programs para sa optimal development ng iba’t ibang uri ng energy production at use sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act of 2001.

“Technical assistance is needed for Filipinos to get more value for their money in terms of investment, energy development, and utilization. In the end, it should address the overall drive towards energy efficiency,” ani Cusi.

Comments are closed.