ENERO 21 HOLIDAY SA BOL PLEBISCITE

holiday

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte na special non-working holiday ang Enero 21 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, Isabela City, at Cotabato City para sa pagdaraos ng plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Nakasaad sa  Proclamation 645 na may petsang Enero 10, 2019 na layunin ng proklamasyon na bigyang pagkakataon ang mga residente sa mga nabanggit na mga lugar na makaboto sa plebisito.

“In order to give the people of the Autonomous Region in Muslim Mindanao, Isabela City, and Cotabato City, the opportunity to actively and fully participate in the plebiscite and exercise their right to vote, it is but fitting and proper to declare 21 January 2019 a special (non-working) day,” ang sabi pa sa proklamasyon.

Nakatakdang dumating ngayong araw sa Cotabato City si Pangulong Duterte upang dumalo sa peace assembly roon at ikampanya sa mga mamamayan na suportahan ang ratipikasyon ng BOL.

“The President will go there tomorrow and make a pitch for the ratification,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa gina­nap na press briefing sa Malakanyang.

Magkakaroon din ng plebisito sa  North Cotabato at Lanao del Norte sa Pebrero 6 na inaasahang lalahukan ng halos 2.5 milyong botante.   EVELYN QUIROZ

Comments are closed.