CALOOCAN CITY– PATAY ang isang enforcer matapos umanong sagasaan ng isang truck driver na hinuhuli dahil sa paglabag sa batas trapiko sa lungsod na ito kahapon ng umaga.
Agad namatay si Jesus Paulite, Jr., 61, kasapi ng Caloocan City Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM), ng Sta. Maria, Bulacan sanhi ng pinsala sa ulo at katawan matapos sagasaan ng Mitsubishi Tractor Head na may plakang 030101 na minamaneho ng nadakip na suspek na si Rommel Cabillos.
Napag-alamang nagmamando ng trapik sa kanto ng Samson Road at Heroes del 96 sa harap ng STI College ang biktima dakong alas-7:50 nang parahin ang minamanehong tractor head ng suspek na patungong Bonifacio Monument Circle dahil sa paglabag sa batas trapiko.
Nang hingin ng enforcer ang lisensya ni Cabillo ay dinedma lang nito ang biktima at itinuloy ang pagmamaneho at sinadyang banggain ang lolong enforcer na bumulagta sa kalsada.
Sa halip na hintuan, sinagasaan pa ni Cabillo si Paulite na dagli nitong ikinamatay. EVELYN GARCIA
Comments are closed.