(Engaged na) MARK HERRAS ‘DI NA PINAKAWALAN ANG IPINALIT KAY WINWYN MARQUEZ

Nicole Donesa

HINDI na pinatagal pa ni Mark Herras ang kanyang pangungulila nang maghiwalay sila ni Winwyn Marquez. Nakatagpo si Mark ng hotshotsbabaeng  kapalit ni Win at hindi na niya ito pinakawalan.

Ang kapalit ni Win sa puso ni Mark ay si Nicole Donesa na isa ring Kapuso talent. Nagkakilala  at nagkasama sina Mark at Nicole sa after-noon prime series ng GMA na “Bihag” at magmula noon ay nagkahulugan na sila ng loob na humantong nga sa pagmamahalan.

Engaged na ang da­lawa. Hindi na pinatagal nina Mark at Nicole ang nadaramang pagmamahal sa isa`t-isa.

Sa latest Instagram post ni Mark ay masasaksihan ang black and white  photo na kung saan magkahawak kamay pa sila habang suot ni Nicole  ang kanyang engagement ring.

“Ang mahalin ka at makasama  ka habang buhay..I love  you itchybear  #toinfinityandbeyondz,” aniya.

Dinagsa naman ng mga pagbati sina Mark at Nicole mula sa mga kapwa  artista  at kanilang fans.

Ang hindi pa malinaw ay kung kailan nila balak magpakasal.

Ano kaya ang reaction ni Winwyn na isa ring Kapuso sa engagement ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras?

HEART EVANGELISTA MAMIMIGAY NG TABLETS PARA SA ONLINE SCHOOLING NG MGA ESTUDYANTENG WALANG PAMBILI

MAY pakiusap si Heart Evangelista sa mga gustong magkaroon ng tablets na nakatakda niyang ipamigay  sa mga estudyante na walang HEART EVANGELISTApambili ng tablets para sa kanilang  online schooling.

“Regarding tablets,  okey lang ba to message  or  tag  me on IG? Not twitter? Sorry po, kasi  ‘di ko  makita ‘yung ibang messages  na need ng medical  assistance. I will also create a better system on my IG with my team soon, para mas marami kaming mababasa na rin. Salamat.”

Ayon pa kay Heart, 550 tablets ang kanyang bibilhin na galing sa mga  painting na kanyang ipinagbili.

Dahil sa rami ng mga nanghihingi ay baka magdagdag pa si Heart ng bibilhing  tablets na Cherry Mobile. Kaya hindi lang medical assistance at financial help ang ibinibigay na tulong ni Heart, pati na rin tablets  para sa mga estud­yante na gagamitin sa online schooling.

AYAW PAYAGAN NI SEN. GRACE POE NA BUMALIK SA TAPING NG ‘ANG PROBINSYANO’

HANGGA`T  maaari ay ayaw munang payagan ni Senator Grace Poe si Susan Roces na magbalik taping ng ‘Ang Probinsiyano.’

Pangamba ng Senadora na hindi pa tayo ligtas sa Covid -19 at  nag-e-enjoy sila sa kanilang tahanan.

Alam ni Senadora Grace na nag-e-enjoy si Susan sa pag-aartista at  ayaw niya itong mawala. Pero ayaw rin naman ng Senadora na maging biktima ang ina ng Covid -19.

3 thoughts on “(Engaged na) MARK HERRAS ‘DI NA PINAKAWALAN ANG IPINALIT KAY WINWYN MARQUEZ”

  1. 163119 855305Discover how to deal together with your domain get in touch with details and registration. Recognize domain namelocking and Exclusive domain name Registration. 787619

Comments are closed.