ENGINE OVERHAUL AT KAHALAGAHAN NG COOLANT

patnubay ng driver

GOOD day mga kapa­sada!

Mahalaga ang paksang tatalakayin natin sa isyung ito ng Patnubay ng Drayber. Ito ay may kina­laman sa pag-o-overhaul ng sasakyan.

Ang tanong ano ba ang literal na kahulugan ng engine overhaul? Kailan dapat magsagawa ng overhaul sa ating gina­gamit na sasakyan bilang panghanapbuhay o ma­ging gamit ng pamilya sa kanilang family comfort?

Ang engine overhaul, ayon sa ating kasangguni, mechanic ng isang gasoline service stations sa Kabihasnan, Parañaque City ay basically involves sa pagpapalit ng cylinder liner, kung ang inyong makina ay nagtataglay nito.

Maaari rin naman aniya na umiikot ang proseso sa pagpapalit ng iba pang parts ng engine tulad ng journal bearing, oil seals at mga kauring bagay na matatagpuan sa loob ng makina bilang important parts nito.

Ayon sa ating kasangguni, maaaring partial o total overhaul ang dapat gawin kung grabe na ang condition ng makina at hindi na kayang isailalim ng partial overhaul.

TOP OVERHAUL

Typically, overhauling of an engine is done kung ang engine is considered blown-by.

Ang blown-by in the vernacular parlance ng mga driver o maging ng car owners ay ang tinatawag na “dukot sa tagalog”.

Paliwanag ng kasangguni, kapag kumakain ng langis ang makina, kaila­ngan nang i-overhaul ito.

Sa ganitong proceso, ipinaliwanag ng kasangguni, hindi na kailangan ang complete removal ng engine.

Sa short cut method (Top Overhaul) tanging ang cylinder head lamang ng makina ang tinatanggal at tanging ang piston rings lamang ang pinapalitan.  At ang kompletong proseso sa ganitong kinagawian ay tinatawag na “dukot” overhaul.

Natawa ang kasangguni.

Sinabi niyang “sounds funny but that is the reality” at kapuwa kami natawa sa kanyang tinuran.

HINDI INIREKOMENDA NG KASANGGUNI ANG DUKOT

Bagama’t okay di naman ang dukot overhaul, ito ay kung nasa state of kagipitan sa gastusin ang may-ari ng minamanehong sasakyan.

Ang dahilan nito ay: tanging piston rings lamang ang pinapalitan samantalang hindi naman napapansin sa prosesong ito ang ibang parte sa loob ng makina na maaaring mayroon ding deperensiya.

Maaari aniyang nalunasan ang pansamantalang problema, e, paano naman kung ang may deperensiya ay nasa loob ng engine block?

Kung gayon, nakatipid na ng ilang linggo, buwan, at mabuti na kung tumagal ng isang taong gamit.

Paano kung may dapat ding palitan sa loob ng engine? Ang end result nito ay doble-gastos ang bagsak kung may kaila­ngan ding palitan sa loob, dagdag ng kasangguni.

KAHALAGAHAN NG COOLANT

Kapag tag-ulan, lumilikha ito ng mara­ming iritasyon sa ating mga kapasada.  Dahilan: lubak-lubak na lansangan; lampas sa tuhod na baha dahil sa pagbabara ng mga drainage, naghambalang na alambre o wire ng mga cable, mga nagkalat na debris at marami pang bagay.

Samantalang sa panahon naman ng tag-init, daing ng mga kapasada ang maraming kadahilanan bunga ng lubhang nag-aapoy na kapaligiran dulot ng mainit na kalikasan.

Kasama sa mga karaingan ng ating mga kapasada ang: buhol ng trapik, maalikabok na lansangan, at ang pag-iinit ng makina ng sasakyan dahil sa usad pagong na daloy ng trapiko.

May dulot na masamang epekto sa ating mga kapasada ang paiba-iba ng klima.  Maging sa panahon ng tag-ulan o sa panahon ng tag-init.  Ang dahilan: overheating ng makina ng engine ng ating minamanehong pamasada.

Kung tag-ulan, stagnant tayo sa daan na binabaha, ‘di nga kasi buhol ng trapik and we have to stop moving samantalang patuloy ang pag-andar ng engine ng minamenohong sasakyan.  Hindi naman kataka-taka na kung mainit ang panahon, madali ring mag-init ang engine ng ating makina.

E, tama kayo, mga observer ng Patnubay ng Drayber sa pagsasabing tayong nasa industriya ng transportasyon ay “ala­ngan sa init, alangan sa lamig.”

COOLANT AT RADIATOR

Ano ba ang coolant?  Ano ang papel na gina­gampanan nito sa engine ng sasakyan.

Ayon sa Service station ng gasolinahan sa Alabang, Muntinlupa, ang coolant ay ang combination of distilled water and alcohol.

Ito  ang tinatawag na “antifreeze” na ang primary job ay to absorb extreme heat (sobrang init) na nalilikha ng matagal na pag-andar ng makina.

Ayon sa isang service crew ng naturang gasoline service station, “coolant introduced to the engine block at sa mga bahagi nito sa pamamagitan ng isang reservoir na naka-affix sa radiator.”

Hindi na bago sa inyo na ang radiator ay nakakabit sa unahan ng sasakyan sa likuran ng grill upang maging malakas ang paghigop ng hangin.

Habang umaandar ang engine, ang coolant ay tuloy-tuloy na nagsi-circulate sa buong makina sa pamamagitan ng radiator na siyang nagpapalamig sa engine.

PAKINABANG SA ENGINE COOLANT

Hinimay ng kasangguning service crew ang mga pakinabang na idinudulot ng engine coolant sa inyong sasakyan kung costing ang pag-uusapan. Kabilang dito ang:

  1. Pinangangalagaan ng cooling system na magyelo (feezing) sa panahong sobra ang lamig dulot ng temperature sa panahon ng tag-lamig.
  2. Keep coolant system na umabot sa boiling temperature sa panahon naman ng tag-init.
  3. Nakatutulong ito na mabawasan ang engine rust and corrosion sa coolant system.
  4. Pinalalawig nito ang tagal na ilalagi ng rubber at plastic na bahagi ng coolant system at
  5. Tumutulong ito sa pagpababa ng electrolysis which can erode engine parts and cause costly repairs.

Pasasalamat sa mga kasangguni”.

LAGING TATAN­DAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti. (photos from google)

HAPPY MOTO­RING!