ENGINE OVERHEATING: KARANIWANG DAHILAN AT PARAAN NANG MAIWASAN

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Mahalagang paksa ang ating tatalakayin sa isyung ito. Simple, ngunit maraming kapasada ang hindi aware sa mga nagiging da-hilan nito.

At ang paksang ating tinutukoy ay ang biglang pag-o-overt heat ng engine nang minamaneho o pinapasadang sasakyan.

Sa totoo lang, marami ang nabubulaga sa biglang paghinto ng kanilang sasakyan. Nagiging dahilan din ito ng ma­tinding traffic at higit sa lahat, pagkairita ng mga pasahero.

Ngunit ano nga ba ang definition ng “OVERHEAT NG ENGINE”?

Plain and simple mga kasapasada.

Ang overheating o pag-iinit ng engine ay isang pagkakataon na biglang hihhinto ang sasakyan dahil sa biglang pagtaas ng temperatura ng higit pa o lumampas sa itinakdang specification ng manufacturer’s manual.

Paano malalaman kung sobrang init o nag-o-overheat ang engine ng sasakyan?
Kapag ito ay lumampas na sa itinakdang temperature o humigit sa boiling point o 100 degree Celsius o 212 degree Fahrenheit.

Payo ng mga expert mechanic ng isang gasoline service station na sinangguni ng pitak na ito, kapag ang engine ay na-ramdamang may senyales na ‘di karaniwang humihina ang hatak ng engine at kumukulo na ang tubig sa radiator o sumisingaw na ang steam pressure sa takip nito sa water reservoir tank, ito ay nasa anyo ng overheating.

1. PAYONG PANGKALIGTASAN:

a. Itabi ang sasakyan sa isang ligtas na lugar.
b. Huwag agad bubuksan ang hook kung malakas ang pagtagas ng tubig o malakas ang singaw ng steam pressure.
c. Huwag din munang bubuksan ang radiator cap upang maiwasan ang posibleng pagkapaso.
d. Makabubuting palipasin ang ilang minuto upang mabawasan ang init nito.

2. MGA DAPAT GAWIN KAPAG NAG-OVERHEAT ANG ENGINE:

a. Patayin ang makina.
b. Palamigin muna sa isang ligtas na lugar o parking area.
c. Huwag sasalinan ng tubig ang radiator upang hindi lubhang maapektuhan ang mechanical parts o major parts.
d. Makatutulong kung babasain ng tubig ang ibabaw ng radiator.
e. Kapag malamig na, magsagawa ng basic visual inspection.
f. Siyasating mabuti ang condition ng engine oil sa dipstick.
g. Tingnang mabuti kung may senyales ng oil dilution o paghahalo ng tubig at langis.

3. KARANIWANG DAHILAN NG OVERHEATING NG ENGINE:

a. Kulang sa maintenance (pabaya sa engine)
b. Baradong radiator
c. ‘Di wasto ang valve clearance
d. Mahinang klase ang inilagay na langis
e. Maluwag ang engine belt
f. May tagas ang tubig (leak)
g. May corrosion ang tubig
h. Hindi nagtratrabaho ang thermostat value
i. Hindi tumpak ang ignition timing
j. Barado ang tambutso
k. Marumi ang pins ng radiator
l. Hindi gumagana ang auxiliary fan at
m. Barado ang grills

4. ANG TUNE UP NG ENGINE:

Ano ba ang tune up ng makina? Ayon sa kasangguni ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat ginagawa ng isang qualified automotive mechanic sa isang engine.
May dalawang klase ng engine tune up tulad ng:
a. minor tune up (under periodical inspection) at
b. major tune up
May pagkakaiba ang minor tune up at major tune up.
Ang minor tune up ay isinasabay sa oil service o periodical inspection, samantalang ang major tune up naman ay kalimitang gi-nagawa kapag naapektuhan na ang performance ng engine.
Ayon sa source mechanic, most often, nagkakaroon ng major tune up ang makina kapag ito ay kinakitaan ng mga palatandaan tulad ng:
a. Malakas na konsomo ng gas o krudo
b. May kakaibang amoy o kulay na inilalabas sa tambutso.
c. Hindi maganda ang performance ng takbo

ENGINE-1

5. PALATANDAAN NA MAGANDA ANG KONDISYON NG MAKINA:

a. Madaling paandaarin kahit malamig o kaya ay mainit ang engine.
b. Hindi mausok
c. Matining o pino ang andar ng engine
d. Hindi tumataas ang konsumo ng fuel consumption
e. Banayad at walang kakaibang tunog kapag umaandar
f. Hindi magalaw ang menor

6. SINTOMAS NG CAR ENGINE PROBLEMS:

a. Mausok sobra ang emission
b. Maingay ang menor
c. Malakas kumain ng fuel
d. Mahinang humatak
e. Magalaw ang menor
f. Palyado
g. Nabubulunan
h. May kakaibang tunog ang engine kapag nag-a-accelerate.

PARAAN PARA MAIWASAN ANG OVER­HEATING NG MAKINA

Sa pakikipanayam kay Francisco Guarin ng Guarin’s motor shop, tinalakay nito ang mga tip kung papaano maiiwasan ang pag-o-overheat ng makina ng minamanehong sasakyan.
Kabilang sa mga tip na kanyang inilahad ang pagbibigay ng regular car maintenance to prevent your car’s engine from overheat-ing tulad ng:

I. REGULAR NA TSE­KIN ANG COOLANT AT RADIATOR NG SASAKYAN

Ayon kay G. Guarin, isa sa pinakamabuting paraan upang maiwasan ang pag-o-overheat ng makina ng sasakyan ay ang regular na pagtsetsek sa coolant reservoir at radiator.
Sa ganito aniyang paraan makatitiyak ang car owner ay may sapat na coolant at tubig.
Tsekin din minsan isang linggo o kaya ay araw-araw bago patakbuhin—malayuan o malapitan man.

II. HUWAG KALIGTAANG SURIIN ANG TEMPERATURE GUAGE

Sa maraming pagka­kataon, nakaliligtaan na tapunan ng pansin ng may-ari ng sasakyan ang temperature gauge na siyang nag-didikta ng engine temperature kung ito ay nasa wastong init habang tumatakbo.
Ang ganitong pagkalingat ng driver ay karaniwang bumubulaga sa pag-iinit ng makina na hindi nila namamalayan.
‘Payo ni Guarin, laging kokonsultahin ang temperature gauge upang malaman kung uminit nang lampas ito sa normal na tem-peratura.

III. PATAYIN (TURN OFF) ANG AIR CONDITIONER NG SASAKYAN

Sa tuwi-tuwina, tapunan ng pansin ang temperature guard ng sasakyan. Kung mapunang tumataas ang temperature guard, kaagad na patayin (switch off) ang air conditioner.
Gayundin, buksan ang blower at itodo ang lakas nito para sipsipin mula sa engine bay ang init na likha ng makina.

IV. DALHIN ANG SASAKYAN SA SAFE NA LUGAR

Sa panahon ng pagma­maneho kung mapan­sin na mataas ang temperature at patuloy pa rin itong tumataas, makabubuting iparada sa isang ligtas na lugar ang sasakyan o kaya ay sa pinakamalapit na gasoline station.
Matapos na i-park ang sasakyan, patayin ang makina at pagkalipas ng ilang sandali ay buksan ang hood upang ang init na umalimuom sa loob ng bay ay sumingaw.
Pagkatapos, palipasin ang 20 minuto upang lumamig ang makina at hindi mag-crack down sa biglaang pagbabago ng tempera-ture ng engine.
Sa mga naging source at kay G., Francisco Guarin, ma­rami pong salamat.
KAUNTING KAALAMAN – Matapos malagyan ng tubig at coolant ang radiator, tsekin ang temperature ng engine bago lumargang muli sa mahabang biyahe. Kung patuloy pa ring tumataas ang temperature, may posibilidad na may tagas ang makina ng sasakyan.
LAGING TATAN­DAAN: UMIWAS sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!

Comments are closed.