ENGKUWENTRO VS ABU: SUNDALO SUGATAN

BASILAN-SUGATAN ang isang sundalo mula sa Philippine Army 18th Infantry Battalion nang makasagupa nila ang isang grupo ng mga armadong miyembro ng Abu Sayyaf terrorist group sa Sitio Bato Maputi, Barangay Baguindan, Tipo-Tipo sa lalawigang ito.

Ayon kay Western Mindanao Command (WESMINCOM) Spokesperson Major Andrew Linao, kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol operations ang mga tauhan ng 18th IB nang masabat nila ang mga teroristang ASG sa ilalim ng pamumuno ni Pasil Bayali.

Naniniwala ni Linao na nalagasan din ang bandido dahil sa mga bakas ng dugo na nakita sa route of withdrawal ng teroristang grupo na patuloy na tinutugis.

Sa panig naman ng militar, isang sundalo ang nasugatan na kasalukuyan ng ginagamot.

Samantala inihayag ni Western Mindanao Command (WESMINCOM) Chief, Lt Gen. Alfredo Rosario, hindi lumulubay ang kanilang puwersa sa pagtugis sa mga terorista at maging sa mga lawless element sa kanilang nasasakupan.

” Our troops continue to employ both military and non-military operations to neutralize the enemies of the state. We are here to convince them to return to the folds of the law, but if they refuse to do so, we will surely hunt them down,” pahayag ni Lt.Gen. Rosario. VERLIN RUIZ