ENGLISH TEACHERS KAILANGAN SA TAIWAN

MAS maraming oportunidad ang naghihintay sa mga Pilipino sa Taiwan makaraang buksan ng Ministry of Education ang job vacancies para sa foreign English teachers at teaching personnel, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa DOLE, binuksan ng Taiwanese government ang  450 teaching positions sa mga dayuhan sa primary at secondary public schools ngayong taon.

Ang mga guro sa ilalim ng programa ay tatanggap ng  monthly salary na NT$62,720 (P 115,122.25) at iba’t ibang  benepisyo, kabilang ang travel subsidy at health insurance.

Ang eligible applicants ay kailangang dalubhasa sa pagsasalita ng English, may bachelor’s degree o mas mataas na degree, at walang criminal record.

Ang aplikasyon ay bukas hanggang March 31, 2022. Ang mga interesado ay maaaring mag-apply online sa https://tfetp.epa.ntnu.edu.tw.