ENGR. RONNEL TAN AT GOV. HELEN TAN MAGKATUWANG SA PAGLILINGKOD SA BAYAN

TULOY-TULOY ang pag-arangkada ng mga proyekto at programa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pinangunahan naman kamakailan ni DPWH Region 1 Regional Director Ronnel Tan, kasama si Senator Imee Marcos bilang Special Guest of Honor at Keynote Speaker, ang partial inauguration at groundbreaking ceremony ng Cervantes-Quirino (Ilocos Sur) Abra Road at partial inauguration para sa construction ng Cervantes (Ilocos Sur)-Besao-Sagada (Mountain Province) Road via Laylaya Road sa Barangay Patungcaleo, Quirino, Ilocos Sur.

Ang Cervantes-Quirino-Abra Road ay tinatayang may habang 5.5204 kilometers.

Sinasabing kasama sa road project ang construction ng isang Portland Cement Concrete Pavement (PCCP) road at construction ng dalawang tulay, gayundin ang drainage, slope protection works, pavement markings, at road safety facilities.

Sakaling makumpleto, ang kalsadang ito ang kokonekta sa missing gap sa pagitan ng mga probinsya ng Ilocos Sur at Abra patungong Baguio City at Mountain Province.

Ang isa pang inter-linking Regional Road Project naman ay ang construction ng Cervantes (Ilocos Sur)-Besao-Sagada (Mountain Province) via Laylaya Road na kokonekta naman sa mga bayan ng Quirino at Cervantes, Ilocos Sur, at Besao at Sagada, Mountain Province.

Ang Region 1 component ay magsisimula sa Barangay Patungcaleo, Quirino, Ilocos Sur at matatapos sa Barangay Patiacan, Quirino Ilocos Sur na may tinatayang haba na 11.919 kilometers.

Ang mga proyektong ito ang magpapaganda ng transport system at magpapalago ng ekonomiya sa nasabing mga lugar.

Samantala, tuloy-tuloy rin ang serbisyo-publiko ni Quezon Gov. Doktora Helen Tan, misis ni Engr. Tan, para sa kanilang nasasakupan.

“Ano mang pagsubok na dumating sa paghahatid ng pangkalusugang tulong para sa ating mga kalalawigan ay hindi naging balakid upang tuloy-tuloy na matugunan ang kanilang pangangailangan,” ani Gov. Tan.

Kamakailan nga, pinangunahan ni Gov. Tan ang isang medical mission sa bayan ng Lucban kung saan maraming nabigyan ng libreng pagpapasuri at medikal na serbisyo upang malaman ang kalagayan ng kanilang kalusugan.

Ayon sa masipag na gobernadora, lilibutin nila “ang buong lalawigan sapagkat hangad niya na magkaroon ng mas malalim na pagkakataon ang bawat Quezonian na may mga problema sa kalusugan, lalo’t higit ito’y isa sa layunin ng kanyang Healing Agenda.”

“Sa walang pagod na pakikipagtulungan ng mga DOH hospitals at mga private doctors upang masiguro na maayos at tama ang mga konsultasyon sa ating mga kalalawigan, malaki ang pasasalamat ng pamahalaang panlalawigan sa bawat isa sa inyo.”

Dagdag pa ni Gov. Tan, “asahan pa ang mga susunod na serbisyong medikal para sa lahat ng mamamayan ng Quezon.”

Mabuhay po kayo at God bless!