DAHIL tumaas ang bilang ng mga Filipinong nagsasabing sila’y mahirap noong 2018, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nangako si dating Senate President Juan Ponce Enrile na kanyang paiigtingin ang pagdagdag ng mga trabaho para sa mga Filipino upang labanan ang kahira-pan.
“For the economy, what is our way of fighting poverty? Create jobs. Kung may trabaho mga tao, maski papaano uunlad ‘yan. At saka kung walang trabaho ang mga tao, walang gagamit ng produkto. Walang consumption. Walang ekonomiya. Walang taxpayer,” pahayag ng beteranong mambabatas sa isang media forum.
Sinabi rin ni Enrile, na kumakandidato para sa Senado sa darating na halalan, na sakaling siya’y mahalal, ang una niyang gagawin upang dumami ang mga trabaho sa bansa ay ang pagbukas ng ekonomiya sa mga foreign investment.
“[We must] remove all barriers to foreign investments in the country except those areas where it involves our national security,” sabi ni Enrile, na da-ting namuno sa Department of Finance sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon sa dating Senate President, hindi na kailangan ng mga Filipinong negosyante ng proteksyon sa papasok na puhunan mula sa ibang bansa sapagkat sila ay “matured enough”.
Aniya, “They can compete with other capitalists from other countries. What we need to day is to create jobs for the jobless people to expand the economy.”
Ipinaliwanag din ni Enrile na may tatlong hakbang siyang irerekomenda upang palaguin ang ekonomiya.
“The first is by investment either by government or the private sector including foreign and domestic capital.
The second is through export by creating export products. The third is by consumption. You must have people who consume in society in order to expand the pie and create demands,” sabi ng dating Senador.
Ayon sa pinakabagong pag-aaral ng SWS na tumukoy sa self-poverty o bilang ng mga Filipinong nagsasabing sila’y mahirap, ang average self-poverty rate noong 2018 ay 48%, na mas mataas sa rate noong 2017 na 46%.
Sa kasalukuyan, mayroong 2.36 milyong Filipino na walang trabaho, at 9.8 milyong Filipino naman ang underemployed o kumuha ng trabahong mababa sa kursong natapos o ‘di nagagamit ang buong kakahayan ng manggagawa.
Comments are closed.