ENRILE PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL NI PBBM

ITINALAGA  ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Senate President Juan Ponce Enrile bilang Chief Presidential Legal Counsel.

Ayon kay incoming Presidential Communications Operations Office Secretary Trixie Angeles, ang 98-anyos na si Enrile ay nagsilbi sa pamahalaan ng mahigit na 50 taon sa iba’tibang kapasidad kabilang na ang pagiging interim Secretary of Finance mula 1966 hanggang 1968, Secretary of Justice mula 1968 hanggang 1970, at Minister of National Defense mula 1972 to 1986 noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Si Enrile ay kilalang supporter ni Marcos at incoming Vice President Sara Duterte.

Nangako aniya si Enrile na patuloy na magsisilbing sa bayan at tinitiyak na magiging matagumpay ang administrasyong Marcos.

“I will devote my time and knowledge for the republic and for BBM because I want him to succeed,” pahayag ni Enrile.

Taong 2016 nang magretiro sa pulitika si Enrile. EVELYN QUIROZ