UMABOT sa mahigit 21 milyon ang bilang ng mga estudyanteng nagpa-enroll para sa School Year 2020-2021.
Base sa datos ng Department of Aducation (DepEd) hanggang alas-8:00 ng umaga ng Biyernes ay nasa 21,344,915 ang bilang ng mga nagpa-enrol, 76% lang ito ng kabuuang enrollment noong nakaraang taon.
Sa nasabing bilang, 20,147,020 ang sa pampublikong paaralan habang ang nalalabing bilang ay sa pampribadong paaralan naman.
Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nagpa-enroll sa susunod na linggo dahil posibleng naantala pa ang pagre-report ng datos lalo na sa mga pribadong paaralan.
Nagpapatuloy pa ang enrollment ng pampribadong paaralan habang ang iba ay kasisimula lamang.
Positibo ang kagawaran na maaabot ang target na 80% ng nakaraang bilang ng enrollees na 27.7 milyon.
Tiniyak ng DepEd na tatanggap pa rin ang mga paaralan ng late enrollees.
Comments are closed.