AAGAHAN ng Department of Education (DepEd) ang enrollment para sa School Year 2023-2024.
Sa abiso ng DepEd, ang enrollment para sa Kindergarten, Grades 1, 7 at 11 sa public schools ay mula Mayo 10 hanggang Hunyo 9, 2023.
Paalala ng DepEd, lahat ng incoming learners na mag-e-enroll sa Kindergarten at Grades 1, 7, at 11 sa lahat ng public elementary at secondary schools ay kailangang magpre-register o sumali sa mas maagang registration upang maihanda ang mga kailangan at mai-adjust ang mga plano para sa susunod na taon.
Samantala, lahat ng enrollees ng Grades 2-6, 8-10 at 12 sa public schools ay tinuturing na pre-registered at hindi na kailangang sumali sa early registration.
Hinihikayat naman ng DepEd ang mga pribadong eskuwelahan na sabayan na rin ang maagang enrollment ng public school.
Para sa early registration, hinihikayat ang face-to-face transactions ngunit maaari pa ring ipatupad ng mga eskuwelahan ang ibang paraan ng pangongolekta ng registration forms. ELMA MORALES