KINUMPIRMA ng Department of Education na magsisimula na sa susunod na linggo ang enrollment sa mga pampublikong paaralang elementarya at sekondarya para sa School Year 2024-2025.
Naglabas ang ahensiya ng DepEd Memorandum No. 32 series of 2024 na nilagdaan ni Education Undersecretary Nolasco Mempin.
Nakasaad sa memorandum ang Enrollment Guidelines para sa SY 2024-2025 sa public elementary at secondary schools.
Ayon sa DepEd, ang pagpapalabas ay naglalayong gabayan ang lahat ng pampublikong paaralan at community learning centers (CLCs) sa enrollment procedures at protocols para sa nasabing school year.
Opisyal namang magsisimula ang pasukan para sa Hulyo 29 ng kasalukuyang taon.
Ang enrollment sa lahat ng pampublikong paaralan ay mula Hulyo 3 hanggang 26.