ENROLLMENT SA PUBLIC SCHOOLS SIMULA NA

deped

MAAARI nang magpa-enroll ngayong Lunes para sa susunod na school year ang milyon milyong mag-aaral ng public schools.

Ang enrollment ay gagawin remotely sa mga lugar na nasa enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa ilalim ng ganitong sistema, kokontakin ng eskuwelahan ang mga magulang o maari ring  makipag-ugnayan ang mga magulang sa mga guro.

Ayon sa DepEd, maari ring isumite ng mga magulang o guardians ang Modified Learner Enrollment and Survey Forms (MLESF) sa mga eskuwelahan sa mga lugar na nasa  general community quarantine at modified gene­ral community quarantine.

Maari rin ipatupad ang drop box enrollment, o ang pagsusumite   ng mga magulang  ng accomplished MLESF sa drop boxes o booths sa harap ng  mga eskuwelahan.

Paalala ng DepEd, ang mga magulang ng incoming kindergarten at Grades 7 at 11 na nagpatala na noon ay kaila­ngan pang i-reaffirm ang kagustuhang i-enroll ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng digital o physical enrollment platforms ng paaralan.

Ang enrollment period ay magtatapos sa  Setyembre  13, na siya ring unang araw ng klase.

4 thoughts on “ENROLLMENT SA PUBLIC SCHOOLS SIMULA NA”

  1. 74578 840103Id need to consult you here. Which isnt some thing Which i do! I enjoy reading a post that can make folks feel. Also, appreciate your allowing me to comment! 52229

  2. 505620 427246Intending start up a enterprise about the internet involves revealing marketing plus items not only to women locally, however somehow to several buyers who are web-based as a rule. e-learning 303549

Comments are closed.