TAONG 1993 nang ipatayo ng actress noong dekada 70 na si Rebecca Rocha ang ang unang branch ng bakeshop na pag-aari ng kanyang anak kay Alex Muhlach na si Niño na ang specialty ay ensaymada. Itinayo ang unang branch sa El Niño Apartelle na pag-aari rin ni Niño sa N. Domingo St, Cubao, Q.C.
Dahil sa sarap nito na may iba’t ibang flavor, pumutok nang husto ng taon ding iyon ang dalawang negosyo nito.
Ngayon, lagpas na sa dalawang dekada (25 years) ay marami na ang naging branch nito sa iba’t ibang mall na ang latest branch ay nasa Ground floor ng Fisher Mall sa Quezon Ave. Bukod sa mabenta nilang ensaymada na hindi pinagsasawaan ng mga regular customer nito ay may iba’t ibang produkto rin ng tinapay na mabibili sa naturang bakeshop.
BHOY NAVARRETTE SIKAT PA RIN SA LARANGAN NG
PAGPAPAGANDA, RICHARD YAP NO.1 CUSTOMER
NASA Gensan pa lang ang inyong columnist ay kilalang-kilala na namin ang pangalan ng beauty expert at nagmamay-ari ng kanyang sariling salon na si Bhoy
Navarrette. Paano kami hindi magiging aware sa kanya e, maya’t maya ang banggit ng name niya ng namayapang si Inday Badiday. At ‘yung pagiging tanyag ni Bhoy sa larangan ng pagpapaganda ay napanatili niya kumbaga sa artista ay may “staying power” din siya. Yes, kahit wala na si Ate Luds, ay hindi iniwan si Bhoy ng kanyang mga customer na kinabibilangan ng mga sikat na artista at singer na kagaya nina Alicia Alonzo, Lotlot de Leon, Jamie Rivera na matagal nang amiga ng nasabing salon owner.
Sa kanya rin ipinagkakatiwala ni Ser Chief o Richard Yap ang buhok nito at matagal na ang samahan nila ng sikat na Kapamilya actor magmula nang hindi pa ito artista at negosyante pa lang. Well, ang sikreto d’yan ay maayos na serbisyo at satisfaction ng mga nagpapagupit, at nagpapa-make up.
Located pala ang ilang dekada ng parlor na Bhoy Navarrette Hair Salon sa 727 A Aurora Blvd, New Manila, Quezon City, 1112 Metro Manila at nasa tapat lang ito ng Robinsons Magnolia.
Comments are closed.