Isa pang bagyo ang posibleng pumasok sa bansa sa susunod na linggo.
Binabantayan ngayon ng Pagasa ang cloud cluster sa East Philippine Sea, kung saan, sakop nito ang loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa State Weather Bureau, mataas ang tsansa na mabuo ang masamang panahon bilang tropical cyclone sa pagitan ng September 10 at September 16 na tatawaging Ferdie.
Kaugnay nito, pinaghahanda ang mga residente na naninirahan sa silangang bahagi ng Luzon, partikular ang mga lugar na naapektuhan ng bagyong Enteng.
Ang bagyong Enteng ay tuluyan nang nakalabas ng bansa habang habagat patuloy na magpapaulan sa ibang bahagi ng bansa.
Ngayong Huwebes, Setyembre 5, asahan pa rin ang katamtaman hanggang malalakas na buhos ng ulan na aabot sa dami ng 100-200 mm.
Sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at moderate to heavy rains naman o 50-100 mm sa Northern Palawan, Calamian, Cuyo, Cagayancillo Islands, Metro Manila, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Bulacan, Pampanga. Tarlac, Nueva Ecija, La Union, at Benguet dulot ng habagat.
Ayon sa Pagasa, inaasahan na bahagyang gaganda na ang lagay ng panahon sa Biyernes, Setyembre 6, na maaring magkaroon ng moderate to heavy rains na lamang sa Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan dahil sa patuloy na pagkilos ni Enteng sa paglayo sa bansa.
MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA