‘ENTENG’ WALANG SINIRANG PALIPARAN

WALANG iniulat na pinsala sa anuman sa mga paliparan sa bansa ang bagyong Enteng, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

“Airports operated by the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) remain operational and have reported no damage amid the onslaught of Typhoon Enteng in the country,” pahayag ng CAAP sa isang statement.
Gayunman, sinabi ng CAAP na ilang flights ang kinansela dahil sa bagyo.

“The CAAP Operations Center recorded 38 domestic flight cancellations at various airports due to inclement weather caused by Typhoon Enteng yesterday,” ayon sa CAAP.

“Passengers are advised to confirm their flight schedules with their respective airlines and arrive at the airport at least two hours prior to their scheduled departure,” dagdag pa nito.

Inulit din ng CAAP ang memorandum nito na nagbabawal sa aitcrafts na may maximum certificated takeoff weight na 5,700 kg o mas mababa na mag-take off sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal number 1.

Ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 ay itinaas sa dalawang lugar sa Luzon Martes ng umaga sa muling paglakas ni ‘Enteng’ habang patungo sa West Philippine Sea, ayon sa PAGASA.

Ayon sa CAAP, may 38 domestic flights sa buong bansa ang kinansela noong Lunes dahil kay ‘Enteng’.

“Passengers are advised to confirm their flight schedules with their respective airlines and arrive at the airport at least two hours prior to their scheduled departure,” nakasaad sa statement ng CAAP.