MAGSISIMULA ang taon ng Wood Dragon sa February 10, 2024 at pinaniniwalaang magsusulong ito kasaganaan. Ang dragon ay sumisimbulo sa tagumpay, talino at dignidad – habang ang wood dragon naman ay puno ng enerhiya at pangarap upang mabago ang sandaigdigan.
May 12 zodiac cycle sa Chinese astrology na konektado sa limang elemento– ang metal, kahoy, tubog, apoy, lupa. Umiikot sila sa zodiac cycle, at bawat 12 taon ng pagbabalik ng bawat zodic animal, nagbabago rin ang kanilang elemental affiliation. Halimbawa, noong 2012 ay taon ng Water Dragon at sa 2036 naman ay taon ng Fire Dragon. Ang mga taong isinilang sa nasabing mga taon, kahit pare-pareho silang dragon, ay may iba-iba ring personalidad na nakasasaklaw sa kanilang buhay. Kung swerteng may sanggol na ipanganganak ngayong taon ng Wood Dragon, iba siya sa dragon na isinilang 12 years ago.
Simbulo ang Wood ng lakas at creativity, habang ang dragon naman ay may kinalaman sa tagumpay, talino at dignidad. Kapag pinagsama, ang taong isisilang sa Year of the Wood Dragon ay puno ng enerhiya ay pagpupunyagi. Nangangarap silang baguhin ang mundo at mahusay sila sa paglikha ng mga kakaibang ideya gayundin sa pagpapatupad nito. Perfectionist sila, at hindi titigil hanggang hindi natutupad ang kanilang layunin.
Samantala, ang Fire Dragons ay energetic, may tiwala sa sarili at malapit sa tao. Mayroon siyang leadership skills na wala sa iba. Mahilig din siya sa adventure, at hindi siya sumusuko sa mga pagsubok. Mahusay rin siyang makipag-usap kaya magiging matagumpay siyang negosyante.
Magaling naman ang Earth Dragon sa pagma-manage ng pera at career. Nakatutok siya sa kanyang layunin na mahusay sa organization pati na sa management.
Napakagaling ng Metal Dragon sa pamumuno at sa negosyo. Sinasamantala niya ang pagkakataon para kumita ng pera at alam rin niya kung saan ii-invest ang kanyang pera para lumago.
Maawain naman at mapagmahal ang Water Dragon. Nauunawaan niya ang nararamdaman ng iba, kaya maayos niyang nadadala ang mga interpersonal relationships. Handa rin siyang sumuporta at tumulong sa mga nangangailangan.
Ngayong taon ng Wood Dragon, inaasahang makakaahon na tayo sa kahirapan. Magkakaroon ng paglago sa kabuhayan, progreso, at pagyaman. Maganda rin ang taong ito para magkaroon ng matibay na pundasyon para sa bago at naiibang bagay na magdadala ng kasaganaan sa lahat.
Ang huling taon ng Wood Dragon ay noong 1964, 60 taon na ang nakararaan. Mahigit pa sa kalahating dekada ang pagitan. Sa taong iyan, sumikat nang husto ang The Beatles. Inilunsad din ng Soviet Union ang Voskhod 1 para umikot sa mundo. Ito ang unang paglalayag sa kalawakan ng isang tao na wala man lamang suot na spacesuit. Matagumpay ring naisagawa ng China ang kauna-unahan nilang nuclear test.
Labindalawang taon ang cycle ng Chinese zodiac, na bawat taon ay may representasyon ng isang hayop: daga, baka, tiger, kuneho, dragon, ahas, kabayo, tupa, unggoy, tandang, aso at baboy. Iyan ang pagkakasunud-sunod. Ayon sa alamat ng mga Chinese, naglunsad ang Jade Emperor ng marathon kung saan ang unang 12 hayop na makararating sa finish line ay may matatanggap na biyaya at mapapabilang din sa lunar calendar. Nauna ang daga dahil naisahan niya ang pusa na hindi na nakaabot sa finish line. Nahuli ang baboy dahil inuna niya ang pagkain, ngunit nakaabot pa rin. Desididong manalo ang baka kaya siya ang pumangalawa. Pumangatlo ang tigre dahil ginugulo siya ng kuneho na nakasakay sa kanya habang siya ay tumatakbo, kaya natural lamang na pang-apat ang kuneho. Sobrang malaki ang katawan ng dragon, at sa kagustuhang hindi makasakit ay nagbigay-daan siya iba. Isa pa, sa hindi malamang dahilan, ay nakadama siya ng takot sa matalinong daga kaya dumidistansya siya rito. Dahil walang paa, gumagapag lamang ang ahas, ngunit s sa mabilis na paraan. Takot ang kabayo sa ahas kaya dumidistansya siya rito, kaya kahit mabilis siyang tumakbo ay hinayaan niyang mauna ito sa kanya.. Naglalaro naman ang unggoy habang tumatakbo kaya madalas siyang madapa, at ang tandang naman, kahit marunong lumipad, ay hindi naman kayang lumipad ng mataas. Sa ika-11 pwesto ang aso dahil palingon-lingon siya sa likod habang kinakahulan ang pusang nasa ika-13 pwesto. Kung anumang zodiac animal ang iyong kaarawan, sikapin mong magwagi sa lahat ng panahon, at siguradong magtatagumpay ka rin.