MARAMI pang industriya ang inaasahang unti-unting magbabalik sa operasyon sa sandaling isailalim na sa wakas ang mga lugar sa bansa sa ‘modified’ general community quarantine.
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año sa CNN Philippines na ang modified GCQ ay magluluwag sa restrictions sa iba pang mga industriya, kabilang ang entertainment sector.
“Sa modified GCQ, marami na tayong papayagan doon. Pati ‘yung ibang mga entertainment industries ay maaaring payagan na rin dito sa modified GCQ,” wika ni Año.
Gayunman ay hindi tinukoy ni Año kung anong entertainment sectors ang maaaring payagang mag-operate.
Ang leisure o non-essential services ay ipinagbawal magmula nang isailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine noong kalagitnaan ng Marso.
Sa kasalukuyan, ang Metro Manila
at iba pang high-risk COVID-19 areas, kabilang ang Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Laguna. ay nasa ilallm ng modified ECQ, habang ang ilang lalawigan ay inilagay sa GCQ sa layuning unti-unting paganahin ang ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Comments are closed.