ENTRANCE EXAMS SA KOLEHIYO LIBRE NA

LIBRE na ang entrance examination sa private higher education institutions (PHEIs) o mga pampribadong kolehiyo at unibersidad para sa mga kuwalipikadong estudyante.

Ito ay nang tuluyang maging batas nitong June 14 ang Republic Act (RA) 12006, o ang Free College Entrance Examinations Act.

Sa ilalim ng batas, kailangang pagtuunan ang disadvantaged students na may kakayahang manguna sa pag-aaral.

Alinsunod din sa batas, ang graduating student ay eligible para sa  waiver ng college entrance exams at charges sa limang kondisyon.

Una  ay ang graduate o ang graduating student ay natural-born Filipino citizen.

Pangalawa, ang estudyante ay  nasa top 10 percent ng graduating class, dapat ay maralita at ang  household income ay nasa  poverty threshold na tukoy ng  National Economic and Development Authority (NEDA).

Ang ikaapat ay dapat mag-apply para sa college entrance exams sa anumang private higher schools sa bansa at ikalima, maka-comply sa lahat ng  requirements ng private school.

Pinaalalahanan naman ng Commission on Higher Education (CHED)  ang mga private school laban sa paglabag sa batas.

EVELYN QUIROZ