NAGSAGAWA ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Chief Supt. Joselito T. Esquivel Jr. laban sa mga dating miyembro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Galas Police Station (PS 11) na pinangungunahan ni Police Chief Inspector Erwin Guevarra at sinasabing lehitimo at parte ng walang tigil na PNP Internal Cleansing program.
Sinabi ni Esquivel Jr. na ang naturang operasyon na isinagawa laban kina Guevarra na nag-sampa ng countercharge sa Office of the Ombudsman at sinasabing ang naturang entrapment operation laban sa kanya at mga kasabwat ay lehitimo.
“First time ito na nangyari sa buong Philippine National Police kung saan nagsampa ng complaint ang mga police scalawag laban sa pulis na maayos na gumagawa ng kanilang tungkulin,” sabi pa nito.
Sinabi pa ni Esquivel na ang kasong isinampa laban sa mga grupo ni Guevarra at 16 na kasamahan nito noon ay lehitimo.
“The PNP has been continually hounded by issues and concerns of personnel getting involved in illegal activities hence, the organization, concurrent with its mission and functions has vowed to conduct intensified and sustained internal cleansing in order to identify policemen engaged in illegal activities and to institute appropriate actions against them.”
Pagsisiguro ni Esquivel, na lahat ng mga tauhan nito ay ginagawa ang lahat ng legal na paraan para i-asiste ang sinumang masasangkot sa mga lehitimong operasyon.
Ang kasong kinasasangkutan ng grupo ni Guevarra ay nag-ugat sa panghihingi umano ng mga ito ng pera mula sa drug suspect noong Mayo 3, 2018 sa loob mismo ng estasyon sa Quezon City.
Nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng District Intelligence Division (DID), District Special Operations Unit (DSOU) at Special Reaction Unit (SRU) dahilan ng kanilang pagkakaaresto sa loob mismo ng Headquarters ng PS-11 sa Unang Hakbang Street, Brgy. San Isidro, Galas, Quezon City.
Ayon pa sa masusing imbestigasyon na isinagawa naman ng District Investigation and Detection Management Division (DIDMD) nakitaan ng ilang inconsistencies sa mga dahilang sinabi ni Guevarra at mga tauhan nito patungkol sa operasyog isinagawa ng mga ito. PAULA ANTOLIN/MT BRIONES
Comments are closed.